Chapter 4

9.2K 325 17
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng mga hayop na nag-uusap. Maingat akong gumalaw paupo pagkatapos ay dumikit ako lalo sa punong sinandalan ko kanina. Pinakinggan ko ang dalawang unggoy na mahinang nag-uusap. Tamang tama lang na naririnig ko sila dahil nasa bandang likuran sila ng puno. Nakatalikod sila kaya hindi nila ako makita.

"Ano na ang gagawin natin kapag tuluyang nasira ang punong bulaklak? Tanging ang punong bulaklak lamang ang natirang nagbibigay ng buhay sa gubat natin." sabi ng may katabaan sa kanila. Sa boses na gamit niya ay halatang matanda siyang unggoy.

"Hindi ko alam. Hanggang ngayon ay wala paring inuutos si Haring Leon tungkol dito. Kapag hindi parin siya gumawa ng aksyon ay mapipilitan tayong lumipat sa kabilang gubat kung gusto pa natin mabuhay." sabi naman ng kasama niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang hindi gumagawa ng kilos. Alam kung masamang makinig ng usapan ng iba ngunit hindi ko mapigilan na makinig dahil tungkol sa gubat ang pinag-uusapan nila. Kahit na hindi nila nabanggit ang buong storya tungkol sa pinag-uusapan nila ay nakuha ko ito kaagad. May pinagdadaanan ngayon ang gubat at mabigat ito. Halata sa boses nila ang pangangamba sa mangyayari kapag hindi nasulosyon ang problema nila ngayon.

"Sa tingin mo, nakarating na ito kay ******" Lalo kong dinikit ang katawan ko sa puno dahil sobrang hina na ng boses nila kaya kunti nalang ang naririnig ko sa kanila.

"Hindi ko alam. Siguro ay hindi pa dahil kung nakarating ito sa kanya ay matagal na siyang gumawa ng aksyon." sabi ng matandang unggoy na may malungkot ng boses.

"Hindi ko din maintindihan si Haring Leon. Aktibo naman siya dati pagdating sa mga problema natin sa gubat. Ngayon lamang siya nagkaganito. May nangyari kaya?"

Hindi sumagot ang matandang unggoy sa tanong ng kasama niya. Nanatili silang tahimik. Umabot ng sampung minuto ang pananahimik nila kaya nangalay ang katawan ko dahil sa posisyon ko. Halos mahalikan ko na ang puno dahil sa nakadikit ako dito.

Mukhang wala na silang balak na magsalita. Aalis na ba ako?

Siguro ay mas mabuting umalis na ako. Baka ay makita pa nila ako.

Dahan-dahan akong humakbang paalis at nang makalayo ako sa kanila ay binilisan ko ang paghakbang ko hanggang sa tuluyan akong nakalayo. Huminto ako sa ilog. Umupo ako sa gilid nito at hinugasan ang duming nakuha ko kanina sa puno. May bahid ng dumi ang suot kong puting cloak.

Habang abala ako sa pag-alis ng dumi sa cloak ko ay hindi ko napansin na may nakalapit na sa aking tao. Aalis na sana ako pero napatigil ako dahil tinawag niya ako.

"Miss, is this yours?"

Napatingin ako sa hawak niyang hair clip na kulay puti. Kinuha ko ito sa kanya habang hindi siya binigyan ng tingin. "T-thanks."

Pagkakuha ko ng hairclip ay tuluyan na akong umalis.

'Miss, is this yours?'

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang marinig bigla ang boses niya. W-wait...
Naramdaman kong nanlamig ang katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"N-no way!"

Tumakbo ako pabalik sa ilog habang halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Sana nandon pa siya.

Pagdating ko sa ilog ay huminto ang mundo ko nang makitang wala na ang lalake kanina. Umalis na siya..

Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako. Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa bilis nito.


Kahit hindi ko nakita ang mukha niya ay sigurado akong siya 'yon.

Bakit hindi ko manlang napansin kanina?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumayo. Hindi na ako nag-abalang hanapin siya dahil alam kong magkikita din kami.

Soon..


+++

Pumunta ako sa bandang baba ng gubat at tulad ng dati ay maraming hayop ang nakatambay dito. Nagtago ako sa mga halaman at inayos ang hood ng cloak ko.

"Lalong tumutuyo ang gitna ng gubat dahil sa panghihina ng punong bulaklak. Hindi pa rin ba kumikilos ang Haring Leon?" dinig kong tanong ng usa.

"Hindi parin siya lumalabas sa kanyang kweba. Kapag wala parin siyang gagawin ay tayo na ang maghahanap ng paraan para mapigilan ang panghihina ng punong bulaklak."

"Sang-ayon ako dyan! Hindi ko hahayaan na masira ang gubat natin! Kahit pa na magtaksil tayo kay Haring Leon ay wala akong pakialam. Kailangan tayo ng gubat na ito. Kailangan natin ang gubat!"

"Tama tama! Walang makakapigil sa atin.  Kahit ang Haring Leon ay hindi niya tayo mapipigilan. Kasalanan niya kapag may nangyari masama sa gubat natin!"

"Oo nga!"

"Tumahimik kayo!"

Napatigil silang lahat sa hiyawan dahil sa pagdating ng malaking elepante.

"'Wag niyong balakin na sirain ang tiwala sa inyo ni Haring Leon!" galit na sabi niya sa kanila.

"'Wag kang makialam sa amin Helda. Kung ayaw mong sumali sa amin ay manahimik ka nalang."

Nahati sa dalawang grupo ang mga hayop. Ang isa ay pinangunahan ng bagong dating na elepante habang ang isa naman ay ang kaninang nangunang susuwayin ang tinutukoy nilang Haring Leon.

Nagpatuloy sila sa pagtatalo. Nanlilinsik ang kanilang mga mata habang hindi iniiwas ang tingin nila sa isa't isa. Biglang uminit ang paligid.

Tahimik ko lang silang pinakinggan at pinanood. Hindi ko kilala kung sino si Haring Leon pero mukhang siya ang leader nila sa gubat na ito dahil sa taas ng tingin nila sa kanya. Kung siya nga ang leader nila ay posibleng isa siyang bantay. Leon..

Hindi kaya si Leon ang tinutukoy nilang Haring Leon?

"Tumigil na kayo! Walang patutunguhan ang pinagtatalunan niyo!" pigil sa kanila ng bagong dati na oso.

Namangha ako nang makita ang makapal niyang balahibo na sinasayaw ng hangin. Halatang malambot ito. Napakaganda din ng mga mata niya. Para itong dyamente dahil kumikintab ito. Sobrang ganda niya! Maliban kay Osong ay ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kaganda na Oso.

Pinanood ko siya kung paano niya pinatigil sa pagtatalo ang dalawang panig. Lalo akong namangha sa kanya nang magtagumpay siya. Pareho ng tahimik ang dalawang panig habang patuloy siyang nanenermon. Para siyang isang nanay sa dating niya. Cool!

Habang pinapanood ko sila ay natigilan ako dahil sa biglang pagsulpot ng malaking gagamba sa tapat ko.

"Ahh!"

Hindi ko napigilan na mapatili dahil sa gulat kaya naman ay natuon ang atensyon nilang lahat sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Tumayo ako ng maayos at napakamot sa buhok ko habang nakangiwi.

"Hi hehe.."

The White Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon