MahalOo! Mahal. Mahal ang tawag ko sayu. Dahil Mahal iyon ka sa buhay ko. Ikaw ang nag iisang mahal ko, ikaw ang nag iisang nagpatibok ng puso ko.
Kelan.
Hindi ko alam kung kelan, hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam pero ang alam ko lang may pinanghuhugutan.
Mahal alam mo bang palaging may pinanghuhugutan? Bawat salita dito ay may laman!
Bawat katangahan ay may kapalit na dahilan.
Pero mahal sa bawat sabi nila ng katangahan aking pagmamahal sayu ang tangi kong dahilan.
Dahilan.
Dahilan para sa mga oras na gustuhin kong sumuko ay ako'y mayroon paring dahilan, dahilan para hindi bumitaw.
Mahal.
Mahal sabi nila ako'y lubhang nagpapakatanga, sa lalaking ni sa hinagap ay hindi ako makita-kita, hindi ako maisip o makita malang ang aking halaga.
Halaga.
Alam mo ba kung gaano ka kahalaga? Kung paanong sa isang tawag o bigkas mo lang ng pangalan ko ay ako itong si tanga nag kukumahog na magtanong kung bakit at kamusta?
Alam mo ba kung gaano ka kahalaga? Na kahit hindi tayo mag usap ay ikaw parin ang inaalala? inaalala kung ikaw ba ay masaya, kung may nangyari bang masama o kung mahal ka na ba nya.
Mahal.
Sa kada kamusta ko sayu ay parang isang patalim sa puso ko. Bakit? Dahil kada kamusta ko sayu ay syang pag iyak mo at pagsabing 'Bakit ganito? mahal ko talaga sya kahit masaya na sya kay gago?'
Mahal
Kelan darating ang araw na ako naman ang kakamustahin mo at ako naman ang iiyak.. pero kaylan man ay hindi ko magagawa.
Hindi ko magagawa ang umiyak sayu kasabay ng pagsabing 'Kelan bang magiging tayu? Kelan bang magiging ako naman at ikaw?' Mahal, napakasakit isipin na magkaibigan tayu pero hindi kita pwedeng iyakan! Dahil sa bawat patak ng luha sa akin pag iyak ay ikaw ang dahilan.
Kaya sa araw na ito, itaga mo man sa bato mabasa man 'to ng kung sino mang gago.
Mahal.
Hanggang sa huli tandaan mo ikaw parin ang aking hiniling.
Ngunit sa bawat pag iyak ay kasabay ang pagtahan.
Sa bawat haplos ay kasabay ay pagbangon.
At sa kasabay ng pagsuko ang pagkalimot.
Kaya mahal. ito ang araw na ako'y susuko.
Sumusuko na ako sa labang kahit kelan ay hindi ko maipapanalo.
Sumusuko na ako sa pag asang ikaw at ako ay pwedeng maging tayo.
Sumusuko na ako at kasabay noon ay ang pag suko ko sa nasayang na pag ibig ko sayu.
Mahal. Paalam.
Paalam dahil kasabay ng aking pagsuko ay ang pagbangon.
Pagbangon mula sa pagkakalunod sa pag ibig ko. Sa pag ibig kong hindi na suklian o hindi kailanman naramdam.
Pagbangon mula sa pagmamahal ko sayu, dala ang pag asang makakahanap ako ng mas karapatdapat mahalin maliban sayu
Pagbangon mula sa sariling pagkakalugmog dahil sa pag ibig. Sa pag ibig! Ang tanging ginawa ko ay umibig, ngunit bakit kay sakit?
Mahal hanggang sa huli ay napaka sakit, hindi ko alam ngunit kahit kasabay nito ay ang aking paglisan ito parin ay napakasakit.
Napakasakit mong mahalin aking mahal.
Ngunit tandaan mo Mahal.
Sa likod ng aking pagsuko ay ang aking pagmamahal,
Sa likod ng aking pagbangon ay ang iyong hindi pagsukli sa lahat ng pagmamahal
Sa likod ng aking paglisan at pagbigkas ng paalam ay ang aking puso na hanggang sa huli ay ika'y minahal.
Mahal,
Mahal ko,
Paalam.
Hanggang sa muli kong pagmamahal, sa bago ay sana ay may tagumpay.
BINABASA MO ANG
Mahal
RomanceThis is what I feel. At the moment I don't know if this is a poetry or such! I just wrote it because of the pain