UNA

4 0 0
                                    




Sa unang pagkakataon matapos ang lahat Mahal.

Sa unang pagkakataon matapos ang lahat hinarap kita, hinarap kita ng may ngiti sa labi. Tandang tanda ko pa ang lahat matapos ang anim na buwan na pag iwas at pag iyak ako'y nagpakita muli ng may kasamang saya at ngiti sa aking labi.

Sa unang pagkakataon matapos ang lahat nakita kitang muli, kinapa ko sa aking dibdib kung may nararamdaman pa bang hapdi, at kasabay ng iyong pag ngiti na sukli lamang sa aking ngiti ay ang pag hapdi ng puso kong malalim ang pighati. Parang gusto kong lumuha, aking bulong sa aking isip ngunit hindi ko ginawa

Dahil sa unang pagkakataon matapos ang lahat may may naghahatid na ng bagong saya at bagong dahilan ng ngiti

Ngunit kalakip noon ang riyalidad na ikaw parin, ikaw parin ang makakapag bigay ng totoong saya at ngiti, ikaw parin ang kahit anong gawin ay ako'y napapaibig, ikaw parin ang hinahanap hanap, at ikaw parin ang nakakabasag sa aking pusong basag na basag. Ikaw parin

Mahal ikaw parin ang hinahanap ng pusong baliw

Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang lahat nangamusta ka ulit, ayan nanaman ang puso ko sumisirko at hindi nanaman alam ang gagawin, ngunit sa bigla ko ay sumagot lang ako ng ngiti. Tinanong mo kung sino sya sinagot ko naman na bagong kaibigan parang ikaw mahal, kaibigan lamang.

Mahal sa unang pagkakataon naiparamdam ko ba sa iyo na hindi lang ikaw?

Mahal naramdaman mo ba?

Mahal bumibitaw na ako ramdam mo ba?

Binibitawan ko na ang at ipapamigay ko na ang pagmamahal ko sayung hindi mo masuklian.

Mahal sa unang pagkakataon naramdaman kong maging masaya sa piling ng iba

Walang masakit

Masaya pala

Pero iba ka....

Dahil sa'yo

MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA!

MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon