LJ POV:
Fiesta dito samin. Dumating yung pinsan ko. May kasamang dalawang babae. Di ko alam pangalan. Siguro yun yung kaibigan nung binigay nya sakin. Naalala ko nga pala may binigay syang number sakin haha.
(Flasback)
"Oy! Insan may ibibigay ako sayong chicks!" Sya
"Ha? Sino na naman yan?"Grabe ang daming babae nitong taong to. Babaero talaga eh.
"Si Rainie. Hahaha. Ex ko yan. Ibibigay ko lang sayo. Kasi naghahanap din yun ng katext"
Kumunot ang nuo ko. Tapunan ba ako ng basura? Pero sige nalang. Para may libangan din ako.
"Sige sige. Ibigay mo nalang. Nasan ba sya?"
"Ay nakalimutan kong sabihin number lang pala maiibigay ko sayo. Di kasi sumama dito eh" sya.
"Ayy ganun. Sige number nga nya?"
"Ito oh! 0935****** ayan!"
"Sige itext ko nalang mamaya"(End of flashback)
So yun nga. Kinuha ko nalang para may mapaglibangan din ako.
Matext nga!Textmessage:
Ako: Hi
Sya: Sino ka?!Aba ang sungit din nito! Maasar nga HAHAHA!
Reply: Di ako sinuka ng nanay ko. Inire nya ako!
Sya: Tinanong ko lang kung sino ka! Di ko sinabing sinuka ka o inire ka ng nanay mo!Grabe kabadtrip naman tong babaeng to! Ang sunget!
Ako: ang sungit mo naman miss!
Sya: eh bigla bigla kang nagtetext eh! Di ka pa nagpapakilala!
Ako: aba malay ko ba sayo!
Sya:Delete mo na number ko!!Grabe talaga. Delete agad! Ayoko nga!
Ako: eh ayoko nga! Di naman ikaw ako eh!
Grabe talaga ang Sungit di na din nagreply! Tss. Makapunta nga sa Fiesta.
Pagdating na pagdating ko dun sumalubong sakin ang maingay na tugtugin. Sigawan ng mga tao at kasiyahan ng bawat isa. Tawa dito tawa doon. Chismiss dito chismiss doon. Napailing nalang ako at napapangiti sa mga nasasaksihan ko. Ganito talaga dito samin pero masaya dito. Nagakakaisa bawat tao.
Btw, kanina pako nagdaldal di man lang ako nagpakilala. Hahaha. Im LJ Ford. Ganda ng pangalan ko no? Hahahaha. Im 20 years old. Icecelebrate ko nga pala bukas yung Birthday ko. Hahaha. Nung september 20 birthday ko pero nadelay kasi Wala ako dito nung araw na yun. Nag aaral kasi ako. Im still First year College. Kasi lagi ako napapastop dahil sa minsan wala na kaming pera pampaaral. Saka di din ako pinapayagan ng mama ko na mapalayo sa kanya. Syempre ako din. Kami nalang kasing dalawa. Tatay ko? Ewan ko. Di ko na binabanggit yan. Nalulungkot lang ako.
Back to my story, so yun nga sakto paglingon ko sa may tindahan nakita ko Yung pinsan ko. May kasamang dalawang babae. Maganda yung isang kasama nya.Lumapit ako sa kanila.
"Oy insan! Kanina pa kita hinahanap!"
"Ay sorry naman. Pinasyal ko kasi tong dalawa dito sa ati at doon sa may beach." Sya.
"*nod* ahh"
"Ayy insan Si Ruth At Mae pala, saka ito naman pinsan ko si LJ"Pakilala sakin ng pinsan ko sa dalawa.
"Hi LJ! Nice to meet you! " sabay Close up smile sakin.
Grabe naman to makasmile,nakikita na gilagid. Lihim akong napatawa."Ehem! Ako nga din. Nice to meet you. "
Ngumiti lang si Ruth sakin.
"Ayy nga pala insan? Natext mo na?"
"Oo ang sunget nga eh. Di na nagreply"
"Ganun talaga yun. Ang sunget. Walang magtatagal dun hahahaha"Napailing nalang ako sa inasta nga pinsan ko. Ang bilis magsawa. Tss.
"Hala! Disco na oh? Ano sayaw tayo?" Mae.
"Sure" kaming lahat.Hinila na kami ni Mae sa may stage. Hala Grabe hahahaha. Wild! Habang nagsasayaw kami di ko maiwasang isipin sya. Hays. Namimiss ko na sya. Naupo mo na ako at nanuod nalang sa kanila. Habang nanunod di ko maiwasang isipin ang mga pinagsamahan namin.
(Flashback)
"Ante! Lalabhan ko na tong mga damit mo!" Sya
"Ayy ako nalang maglalaba! Hays. Di mo naman responsibiladad yan eh. Sa mama ko yan"
"Ano ka ba okay lang. Kunte lang naman to eh" sya.
"Hindi pwede! Akin na yan!"Yun naagaw ko din. Pasaway talaga kahit kailan.
Habang naglalakad kami sa papuntang sapa nag seselfie kami. Hahaha. adik din kasi kaminsa Selfie. Ang cute nya. Ang ganda pa nya sa mga picture na. Pag dating namin sa Sapa nagsimula na din akong maglaba habang naglalaba ako kinukuhanan nya ako ng Picture. Hahaha. Ang kulit talaga. Haggard ko pa naman."Ipopost ko to sa facebook! Hahahaha" sya.
"Ha? Wag ang pangit ko dyan tamo! Ang cute mo nga eh!"Tapos tumakbo sya.
Naghabulan kami , nagkulitan. Hanggang sa dumating yung araw na uuwi daw sya ta kailangan nyang puntahan mama nya di na sya bumalik pero umaasa parin ako na sanan bumalik sya. Hanggang sa may nabalitaan akong kinawasak mg puso ko. Iniwan nya ako. Di man lang sya umuwi dito. Di man lang sya bumalik sakin.(End of flashback)
Hays. Myrna Di ko akalain na iniwan mo nalang ako bigla. Miss na miss na kita. Sa bawat araw ikaw lang naiisip ko. Di ko maiwasang di masaktan. Bat ikaw pa. Bat mo ko iniwan. Miss na miss na miss na kita. Kung nasan ka man ngayon sana masaya kana. Mahal na mahal parin kita. Di kita ipagpapalit sa iba.
"HOY!"Mae
"AY PALAKA!"
"Nag eemote kana dyan! Hahahahaha. Fiesta to dapat magsaya di to byernes santo"Napakamot ako sa ulo ko. Langyang Mae to. Andun nako eh. Tas ginulat pa ako hays. Makasayaw na nga lang!
(Author: ayan na po. Sana magustuhan nyo. Comment lamg po kayo)