Chapter 2- Number One Fan

4 0 0
                                    

Chapter 3- Number One Fan
#TheChoiceYouNeverHad

-

Tahimik lang akong kumakain.. Habang nakikinig lamang sa usapan ng mga bagong dating.. Ang akala ko ay mag-isa lang na pumunta dito si Nixille.. Kasama niya rin pala ang barkada niya at ang bagong barkada ni Mae..

"Sana ay makuha si Mae sa Ms. Intramurals ano?" Sabi ni Zhamira, barkada ni Mae.. Pinaguusapan nila ang pagsali ni Mae sa Ms. Intramurals.. Actually pinagpipilian pa lang ang mga candidates kung sino talaga ang magreremprisinta sa kulay nila..

Ang Intramurals namin ay binubuo ng apat na kulay.. Ang red, orange, green, at yellow..  Bawat kulay ay may tig dadalawang section kada year level..

"For sure na iyan guys.. Sa ganda at katalinuhan niya? Wala nang makakatalo pa sakanya.." Jamiency, barakada rin ni Mae.. Tumango sila at pinatuloy ang kwentuhan sa mga bagay-bagay.. Na para bang wala ako sa tabi nila.. Like I was just invisible..

Dinalian ko nalang ang pag-kain at nang maka-alis na ako.. Nangmaubos ko na ang pagkain ko ay tumayo ako nang tahimik.. Nang maka-ilan pa lang ako ng hakbang ay may pumigil saakin sa paglalakad.. Hinigit niya ang braso ko at nilingon ko siya..

"N-nixille? Bakit?" Pagtataka ko.

"Bakit ka aalis?" Tanong nito saakin..

"Aalis siguro ako kasi marami akong kausap?" Sarcastic kong sabi.. Ang manhid niya naman masyado at hindi mapansin iyon..

"Ahh.. pasensya ka na haa.. Umalis kasi ako saglit kasi ako ang bumili ng mga pagkain nila... At pagdating ko aalis ka na.." Hindi ko matantya kung sarcasm din ba iyon o totoo ang sinasabi niya..

"Ahh.." Lamang ang nasabi ko.. Atsaka kami pinalibutan ng katahimikan ng ilang minuto..

"Bakit ka nga ba mag-isa kanina?" Panguusisa niya..

"Malamang dahil wala akong kasabay..." Pilosopo kong sagot.. Natawa naman ako sa reaction niya..

"Ang ibig kong sabihin ay dahil ayaw sumama saakin ng mga kaibigan kong kumain sa canteen.. May dala na silang baon.." Simpleng paliwanag ko sakanya..

"Ganon ba? Sige.. Simula ngayon.. Ako na ang makakasama mo kapag recess.. Pati ba lunch ay hindi ka nila sinasamahan?" Saad niya.. Tumango ako at agad nayuko.. Siguro ay naawa siya saakin kasi ang loner ko.. Bakit mo ako sasamahan? Obligasyon mo ba talaga iyon.. O may iba ka ka bang intensyon?

"Bakit mo naman ako sasamahan?" Agad na lumabas sa bibig ko ang kaninang iniisip..

"Yung ang ginagawa ng kaibigan diba? Ang samahan ka kahit saan.." Pangatwiran niya..

My world stops as he said those words.. I felt.. Important.. For the first time in my life someone gave me importance..

***

5:57 p.m.

Nixille: tinawag kita kaninang uwian. Di mo ako pinansin.

Mykka: Hala! Sorry.. Nagamadali kasi ako kanina eh.. Ano palang sadya mo at tinawag mo ako? 🤔

Nixille: sasabayan sana kita, kaso kasama ko si Mae at di ko maiwan para habulin ka

Mykka: ahh.. Anong score sa pagitan ninyo ni Mae? Ang sweet niyo..

Nixille: wala. Close friends lang DAW kami.

Mykka: ohh? Bat feeling ko may something kang nararamdaman kay Mae?

The Choice You Never HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon