Chapter 3- The Extra
#TheChoiceYouNeverHad-
Isang linggo ang nakakalipas.. Medyo may mga hang-over parin ang mga estudyante sa Intramurals na naganap.. Lalong lalo na si Nixille.. Paano ba naman ay nanalo si Mae sa Mr. And Ms. Intramurals kaya mas rumami ang tagahanga ni Mae.. Kaya heto, mukang byernes santo ang mukha..
"Tss.." Rinig kong angil niya.. Marami kasing nakatingin saamin or sakanilang dalawa.. Naglalakad kami ngayon papuntang canteen.. Kasabay namin si Mae.. Hindi ako nakipagsabayan sa paglakad sakanila, nahuli ako ng dalawang hakbang.. Kaya nagmukha akong third wheel sakanilang dalawa..
Napahinto ako ng lakad ng nagvibrate ang cellphone ko.. Tiningnan ko ito.. Tumatawag si Rishya.. Ang linaka-close ko sa barkada.. Sinagot ko ang taeag at inilagay sa may tenga ang cellphone..
"Hello? Bat ka napatawag.. May ipapabili ka ba sa canteen?" Deretsahan kong sabi..
"H-hindi.. Girl talk.. Asap.. Sa paborito mong tambayan.." Deretsahan niya ring sabi atsaka Binabaan ako ang tawag..
Kaya dali-dali kong tinakbo sila Nixille at kinuhit siya..
"Nix.. Sorry hindi ako makasabay sainyo.." Dali-daling sambit ko..
"Pero bakit mykks?" Mae asked.. Ang plano kasi ay dapat magmukhang buddies kaming tatlo para di daw mag-assume ang mga tao na may something sakanila.. Yung ang gusto ni Mae.. Pero mukhang masisira ko pa ata, biglaan kasi ang girl talk namin ni Rishya..
"A-ah.. May pag-uusapan kami ni Rish eh.. Pasensya ka na Mae, Nix.. Biglaan din kasi eh.. Sige mauna na ako.." Sabi ko at daliang tumakbo..
Pagkadating ko sa field, sa may puno ng akasha ay nakita kong nakaupo si Rishya..
"Bai..." Tawag ko sakanya.. Nilingon niya ako..
"Sorry haa.. Alam ko na kasama mo sana sila Nix at Mae ngayon.. Pero namiss ko lang talaga maggirl talk kasama ka.. Alam mo naman na ikaw lang ang nasasabihan ko sa love hacks and facts ko.." Malumanay niyang sambit.. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.. Hinagod ko ang likod niya..
"Love hacks and facts ka diyan! Sabihin mo yung problema mo kay Justin your loves lang iyan.." I exaggerated.. Napangiti ng malungkot siya sa sinabi ko..
"P-paano mo nalaman?" She asked..
"Duh! Tuwing nasa classroom tayo.. Ang lagkit kaya ng mga titig mo sakanya.. Hayss.. Ano ka ba bes?" Sambit ko sakanya habang hinampas ko siya sa braso niya..
"Haist.. Ewan ko sayo.. Oo na.. Dahil kay Justin.. Napapalapit nadin ata ang loob ko sakanya this days.. Kaya hindi ako makasama-sama sa iyo.. Pasensya ka na haa.." She confessed..
"So.. Ano-" naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita sa likod ko..
"Myks I got you fries and water.."
I Sighed as I turn my head.. Great timing..
"O-okey.. Salamat.. Babayaran kita mamaya huh.." Sabi ko sabay taboy sakanya pagkakuha ko ng pagkain..
Binaling ko ang titig ko kay Rishya.. Nakasalubong ko ang mga makapang-aasar niyang titig..
"I-its not what your thinking Rish.." I said..
"What? Wala akong sinasabi ah.. Masyado kang guilty.. Hahaha" Mapang-asar niyang sagot saakin.. Bumuntong hininga na lang ako ulit..
"Damn.. Shut it Rish.. I know those looks.." Naka-yuko kong saad.. As much as possible.. Ayokong ma-link sa kay Nixille.. Knowing Rishya and my friends? They'll tease me to death pagnagkataon..
BINABASA MO ANG
The Choice You Never Had
FanficSinong hindi tanga pagdating sa pag-ibig? Kung ang pagiging tanga lang din naman ang sulosyon para lang mapalapit sayo ang minamahal.. Meet Mykka Blessary Tamayo.. Isang dakilang tanga sa pag-ibig.. Willing to do everything para lang sa kanyang mina...