Lahat ng tao gustong mag tagumpay. Lahat ng tao gustong matupad ang mga pangarap nila. Ganun naman lagi diba, kapag may gusto ka pagsikapan mo, kapag may goal ka, paghirapan mo.
May mga pagkakataon naman na, kahit gaano mo ito kagustong paghirapan, kahit gaano mo kagustong magsikap, kusa at kusa pa rin itong darating sa'yo.
Ngunit, paano kung ang naging kapalit ng lahat nang 'yan, ay ang pangyayaring sumira at sumubok sa pagkatao mo? Pipiliin mo pa bang ipagpatuloy ang lahat o hihinto ka na lang at patuloy na babalikan ang mga alaalang dulot ng nakaraan?
Paano kung ang pangyayaring iyon ang maging dahilan upang makilala mo ang taong handang tumanggap sa iyo ng buo, hihilingin mo pa bang sana hindi na lang nangyari ang nangyari, o pasasalamatan mo ang pangyayaring iyon?
Paano kung sa likod pala ng mga ala alang iyon ay ang nag aabang na isa pang alaala? Pipiliin mo pa bang balik balikan ang lugar na nagdulot sa iyo ng lungkot at saya o kakalimutan mo nalang ang lahat at magsimula ulit?