Author's note:
Guyyyyyyssss.. Nawa'y suportahan niyo ito. Hihi. Salamat po. :)---------------
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni mommy.
"Oh, anak mukhang medyo nalate ka yata ngayon ah."
"Yes ma. May dinaanan pa po kasi ako eh."
Nalate ako ng uwi ngayon, nakipag kwentuhan pa kasi ako kay Jayden.
It's been a month na pala simula nung magkita kami sa lugar na 'yon.Tapos na rin ang board exam namin. Bukas na malalaman ang result. Kinakabahan ako. After that, graduation na. How I wish gagraduate ako.
Pagkatapos ko mag ayos, kumain at magbihis ay nagpunta na ako sa kwarto ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.
1 message received
Jayden.... GoodNight Lally. See you tomorrow :)
---
Ang gaan sa pakiramdam kapag kausap ko si Jayden. Sa unang pagkakataon, may taong handang makinig saakin maliban sa pamilya ko. Hindi niya ako tinatanong kung bakit ako umiiyak o kung bakit ako palaging nandun. Ganun din naman ako sakanya. Mas okay kasi kung sakanya mismo manggagaling. Nung una natatakot ako sakanya. Parang ang weird ng dating niya. Well, mukha naman siyang mabuting tao kaya pumayag na rin akong makipag kaibigan sakanya. Katulad ko kasi, madalas din siya sa lugar na 'yon.Pagkagising ko sa umaga ay naligo na agad ako at kumain pagkatapos ay nagpunta na ako ng school. Ngayon na kasi ipopost yung mga pumasa sa exam.
"Besssssssssssss!!!! Good Morning! Congratsssss, ang galing galing mo talaga."
Pagkababa ko palang ng sasakyan ay sinalubong na agad ako ng bestfriend kong si Jeya.
"Bakit bess? May result na ba?"
"Oo. Tingnan mo dun dali."
Hinila naman niya ako papunta sa may bulletin sa may hallway.
Tiningnan ko isa isa. Syempre nagsimula ako sa letter J. Hindi ko nakita ang pangalan ko sa J kaya naman umalis na ako.
"Hindi naman ako pumasa Jeya eh."
Tatakbo na sana ako papuntang CR dahil anytime babagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Ano ka ba? Bago ka mag emote dyan, tingnan mo kaya lahat. Magsimula ka sa pinakataas."
Hinila naman niya ako pabalik sa may bulletin at tiningnan ko ulit yung list.
RMT Passers.
1. Alcantara, Mark Andrew
2.Javier, Lally Kanisha
3.Diode, Yna Marie
4.....
5.....Nang makita ko ang pangalan ko ay tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina pa gustong kumawala.
Napayakap ako ng sobrang higpit sa best friend kong si Jeya habang umiiyak.
"Sabi sayo bessy eh, ang galing galing mo talaga."
Tiningnan ko lang siya at nginitian habang pinupunasan ang luha ko.
"Ano ka ba Jeya, magaling tayo bess. Pumasa ka rin diba?"
"Oo, pero mas magaling ka."
Niyakap ko ulit siya at sabay kaming tumalon na parang mga bata.
"Congrats girls"
Napalingon kami sa may likuran namin at nakita naman naming nakatayo doon si Andrew.
"Congrats Drew. I salute you, ang galing galing mo."
