"Lally... Wake up baby, tanghali na. Papasok ka pa diba?"
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko namang nasa tabi ko si Mommy. Ang sarap sa pakiramdam na, pag gising mo sa umaga mukha kaagad ng nanay mo ang makikita mo. They are my strength and weakness at the same time.
"Good morning mom."
I hugged her tight na para bang 'yon ang unang beses ko siyang nayakap.
Si mommy ang nakakaalam ng lahat ng tungkol saakin. Well, hindi pala lahat. Nagsinungaling kasi ako sakanila. Ayaw ko kasing maramdaman nila na wala silang nagawa para tulungan ako. Ayaw kong isipin nila na ito ako, ayaw kong maawa sila saakin. Tama na saakin na alam niya ang bigat at hirap na pinagdaanan ko para kahit umiyak lang ako ng umiyak, okay lang sakanya. Pero kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan at nahihirapan din siya para saakin. Sila ni daddy ang nagiging sandalan ko. Sila ang palaging nag papaala saakin na, kahit ano pa ang nangyari o mangyayari, ako pa rin ito. Pinaparamdam nila saakin na mahalaga ako at mahal na mahal nila ako. Kahit kasi ano ang mangyari, pamilya mo lang ang makakaintindi sa'yo. Sila lang ang unang tatanggap at hindi manghuhusga sayo.
"Umiyak ka na naman kagabi anak? Look at your eyes. Ang singkit singkit mo na naman. But don't worry, you will always be beautiful at tandaan mo anak, hindi na iyon mangyayari ulit. Mommy and daddy will always be here for you. Hindi ka namin kahit kailan iiwan anak. I love you so much."
Hinawakan nya ang mukha ko and she kissed me on my forehead. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti. Sa ganun ka simpleng paraan, alam kong naintindihan niya na ang gusto kong sabihin.
Tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maligo. Matapos nun ay nag ayos na ako at kumain, nag suot ng uniporme pagkatapos ay nag paalam na ako kina daddy.
"Dad, aalis na po ako."
Si daddy Leo, kuya Luis at ang kakambal kong si Lance ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko. Sila ang unang lalaking nagmahal, nagtiwala at tumanggap saakin ng buo. Sabi nila saakin nasa tamang edad na raw ako. Pwede na raw ako magka boyfriend. Hindi ko naman kailangan yun. Simula kasi nung umalis si kuya Luis, pakiramdam ko lahat ng lalaking mamahalin ko ay iiwan ako. Nagpunta rin ng States ang kakambal ko para mag aral. Ako lang ang naiwan sa bahay. Ayaw kasi akong payagan ni daddy na mag aral abroad. Kaya naman mas pinili kong huwag na lang umalis. Hindi ko rin naman kayang malayo kina mommy. After what happened, siguro mas okay na nasa tabi lang nila ako. Para atleast may nakakaintindi saakin.
Matapos ko mag paalam ay gaya ng dati dumaan muna ako sa lugar na palagi kong pinupuntahan. Hindi ito kalayuan saamin. Siguro it will take 20 minutes bago ka makarating doon.
Bumaba ako ng sasakyan at tumayo sa gilid sa may ilalim ng puno sa tabi ng damuhan. Medyo masukal ang lugar na ito. Wala halos dumaraan at nagpupunta rito. Kung meron man ay yung mga magsasaka lang na palaging dumadaan dito. Palagi ko itong pinupuntahan, ewan ko ba pero siguro nga naging routine ko na ang dumaan dito palagi kahit wala naman akong ginagawa. Tatayo lang ako o di kaya naman ay uupo. Ang lugar na ito ang bumago at sumira ng pagkatao ko. Ito ang nagpapaalala saakin na minsan akong naging mag isa. Minsan akong naging mahina at walang malapitan. Ito ang nagpapaalala saakin na kailangan kong maging matatag at matapang. Dito ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob ko. Ang lugar na ito ang unang nagparamdam saakin na kailangan kong matutong mag isa. Kailangan kong matutong lumaban dahil hindi habang buhay, may yayakap at tutulong saiyo. Sanay na saakin ang driver namin, nung una nagtatanong siya kung bakit palagi akong nagagawi rito, pero nang tumagal ay hinayaan niya nalang ako.
Habang nakatayo ako ay may nakita akong isang lalaki sa may di kalayuan. Nakasuot siya ng black na jacket with maong pants at itim na bonet. Lalapitan ko sana pero it's already 8:30 am at malelate na ako sa klase ko. Malapit na ang qualifying exam namin kaya naman kailangan ko mag aral ng mabuti para grumaduate ako. Hindi pwedeng mabalewala ang lahat ng hirap ng magulang ko para lang mapag aral ako. Oo, mayaman kami. Engineer ang daddy ko at Business woman ang nanay ko pero hindi iyon rason para hindi ako mag aral ng mabuti.
