Chapter 1 - First Day

1 0 0
                                    

Alyssa's POV

In fairness, maganda dito. Kahit sunod ng sunod yung Jordan na yun sakin, okay naman pala dito. Nakakapagtaka lang, private school to pero wala naman palang bullies masyado.

"Alyssa!! Dali na kasi! Maging kaibigan na tayo dali na! dali na! dali na!"-Jordan

Aissshh, siguro bad idea talaga na nilagay ko agad yung name tag ko. Kanina pa siya nakabuntot. Hindi niya ba napapansin na nakakaistorbo sa paglilibot ko? Nakasabit din yung name tag niya kaya ko siya nakilala. Halos lahat naman meron nang name tag. Maliban na lang sa mga nakalimutan at sinadyang kalimutan.

"Si ate girl bago lang"

"Ang ganda nga niya"

"Nakasunod sa kanya si Jordan, baka isusunod na siya"

"Arte naman"

Dami nga lang nag bubulungan. Bulong pa sila ng bulong naririnig naman. Anong isusunod daw? Psh. Di ko naman to type noh. Gwapo siya pero ayaw ko sa maputi, gusto ko moreno at mas maputi ako sa crush ko. Hahaha

Sa room 9 ako, Grade 8 section C kasi late ako nag enroll. Okay lang makakabawi naman ako next year. Kahit honored student ako naintindihan ni mama kasi kasalanan din naman nila kung bakit late ako na enroll eh. hahahaha :( / :)

Pag dating ko sa room, nagtinginan sila lahat sakin. Hindi dahil sa nagandahan sila lahat, dahil naka buntot sakin si Jordan. Sa di ko pag pansin sa kanya kanina akala ko umalis na siya ayun pala hindi pa din.

Naupo na ako sa upuan ko at dito ako sa gilid para malapit lang pag nag pakilala ako, hehe wais to.

"Alyssa byeeee!! Hangga't hindi tayo magkaibigan di kita tatantanan!! Byeers! See ya later!"

Sa wakas, umalis na yung Jordan na yun dahil grade 9 section A siya.

Maya maya dumating na yung teacher namin.
Ang ganda niya, lumalabas na naman pagka-boyish ko. Hindi naman ako tibo pero I do appreciate beauties of women like me.

"Good morning class! I'm your adviser for this school year and my name is Ms. Lea Ramos. Today is your very first day and I know some of you already know each other."

Fluent na fluent siya mag english. Dire diretso pero naiintindihan. Ang ganda na nga ang classy pa. Woooaahh

"So to be different, I have here in this box your names. I'll do some random picking for 10 persons and they will be the one to introduce him or herself in front."

Yes! May pag-asang makaligtas ako dito kahit 35 lang kami sa room. Nagsimula na..

Pang 10 na at syempre dahil swerte ako sa ganto hindi ako ang natawag. Sa lahat ito ang pinaka pumukaw sa paningin ko, gwapo siya ihh.

"Hi everyone! I'm Drake Rivera. I look forward to have bondings with all of you, thats all."

Siya yung may pinaka maikli at nag bow agad. Yung iba kasi pinapakanta o ano man yung talent nila kahit sayaw pa ng walang tugtog. Tapos siya ganun lang  siguro kasi ang gwapo niya, moreno at matangos ilong... omg crush ko na ata to siya..

Tapos na pala, yehey! Ligtas ako! Hahahaha! Kaso..

"I heard there's a transferee in this room, I should like to call on her. Kindly introduce yourself in front."

Aissshhh, di pa di pala. "Hello po. Ako si Alyssandra Cruz, Alyssa na lang for short. Wala po akong talent eh hehe" nahihiya kong sinabi. Buti mabait si Ms. Ramos tumango sya at pinaupo na ako.

Natapos na yung first subject, lumipas na din yung 2nd, 3rd and 4th subject. Puro pakilala lang naman halos ang ginawa. Salamat naman at lunch na namin. Naiisip ko pa din si Drake, ang gwapo at maamo niyang mukha.

"Alyssa! Wait for me! Sabay tayo kumain! May dala ako para sayo!"sigaw ni Jordan. Sa lakas nun napansin yun ng lahat. Nakakahiya. Iniwasan ko siya at tumakbo papuntang likod ng school para dun kumain.

Tapos na ang lunch ng di niya ako naabutan kaya bumalik na ko ng room. Doon nakita ko si Drake mag-isang kumakain. Umupo na ko sa upuan ko dahil alam kong 3 minutes na lang may teacher na ulit. Tama nga ako at nagsimula na ulit.

Hay salamat natapos na ang klase at uuwi na ko. Binilisan kong makalabas ng gate ng school para di maabutan ni Jordan. Hayyy salamat at natakasan ko ulit siya. Thank God for this day, mission accomplished.

Young Heartbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon