Chapter 4 - Getting to know each other

0 0 0
                                    

Alyssa's POV

"Anak yung Jordan nasa labas!" Ang aga aga manloloko na naman si mama. Hindi niya na ko madadali. Babagalan ko pa ang kilos ko dahil wala namang nagaantay talaga dyan.

Tumingin muna ako sa salamin, ginagawa ko talaga to pag tapos maligo pero ngayon bago naman maligo. Woke up like this picture tas pak post! Hahaha bet ko to, ay ang taba ko dyan. Kaloka, delete! Hays may na post din sa IG na bago sa wakas. Matuwa naman sana ang 53 kong followers hehehe

Naligo na ko at nag ayos syempre nakapag post na eh. Bumaba na ko para kumain. "Kanina pa kita pinagmamadali ah?! Yung sundo mo naiinip na" inis na sabi ni mama. Di ko pinansin tas kinain ko na yung tocino na favorite ko.

Pag ka labas ko... nandito si... Drake? Seryoso? Bakit siya nandito?! Hala nakakahiya ang tagal niyang naghintay! Pag kalingon ko kay mama naka pamewang siya at ganun din si Ayesha na gaya gaya....

"Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ko dito ah!" nagpipigil nyang sabi. "Hala sorry akala ko kasi--" hindi na niya ko pinatapos at hinatak na ko para makatakbo "tara na pumasok na tayo sa school late na tayo"

Nakakahiya naman sa kanya pero kasalanan ko ba? Di ko naman sinabing sunduin nya ko diba? Siya pa tong galit. Ang lakas maka bad boy ah. Hindi ko na siya gusto dahil si Jordan na sa tingin ko ang gusto ko

Tumakbo na kami pero laking gulat ko na naghihintay pa din si Jordan kahit 15 minutes na siyang late. "Insan bakit mo kasama yan si Alyssa?" Tanong ni Jordan. "Ah..eh.. mag best friend kasi kami nito ni Alyssa di nya ba nabanggit sayo? Ikaw talaga bes di mo man lang sinabi sa pinsan ko" sabay kurot sa pisngi ko. Nakakaloka sila, magpinsan pala sila? At di naman kasi bestfriends noh!

"Pumasok na tayo Drake nakikipag chikahan ka pang parang babae dyan eh!" Sigaw ko. Nagpaalam na kami kay Jordan na parang nagseselos samin. Hindi ko mapigilan mapalingon sa kanya pero tumakbo na kami papuntang room ni Drake. Mag pinsan pala talaga sila?

Buti may kausap si Ms. Ramos at di nya napansin ang pagpasok namin. Naupo kami sa likod dahil kahit saan naman pede umupo. Walang sinusunod na seating arrangement. Magkatabi kami ni Drake sa likod. "Magpinsan pala kayo? Hindi halata kasi mas mabait sayo si Jordan" sabi ko sa kanya ng takang-taka. "Tss." Nakinig na siya nung nagturo si Ms. Ramos.

Lunch time na, napansin kong si Drake masama ang pakiramdam. Hinipo ko ang noo at leeg niya, mainit siya. Nakatungo lang ang ulo niya sa desk niya st natutulog kaya di niya ko napansin. Ang bait ng itsura niya pag tulog. Sapakin ko na lang to siguro para laging tulog.

Ginising ko siya ng bahagya "Hoy Drake, Uy" ewan ko bakit di ko siya iniwan. Nag-alala ako sa kanya kaya nung nakita ko na si Jordan sa pintuan tinawag ko siya para tulungan ako kay Drake. Ginising namin siya at dinala sa clinic. Kumain na din kami pag tapos.

Bumalik kami sa clinic para i-check sya. Nagtataka ako bakit niya ako sinundo kaya tinanong ko na din habang umihi pa si Jordan. "Hoy, anong pumasok sa isip mo't naisipan mong sunduin ako? Akala pa ni mama ikaw si Jordan." Sabi ko sa kanya. "Psh, nada-daanan ko kasi bahay niyo pag papasok ako kaya kita pinuntahan dun. W-wag ka ngang mag isip ng sobra pa dun. Isa pa, d-di kita type." Nauutal pa siya haha

Dumating si Jordan may dala na namang pagkain para sakin. Ang sweet niya talaga sakin. Feeling ko babaeng babae ako sa kanya..hihi. Kaso epal to si Drake eh kawawa naman diba? "Magpahinga ka muna dito insan, baka di ka maka sapak kapag nag away tayo. Joke! Haha" gaya gaya sa pagiging sarkastiko ko hahahaha.

Bumalik na kami sa room dahil okay okay na si Drake. Nagtuturo si Sir John nung dumaan si Jordan para iabot sakin yung cupcake. Ang sweet niya talaga hihi.. Nung pauwi na kami,hinintay na naman ako ni Jordan tapos sabay kaming umuwi. Ang saya saya ko na naman.. para akong nasa ulap kapag kasama ko siya.. Jordan naman ihhhh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Young Heartbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon