Chapter 1

13 3 1
                                    

Kendall POV

"Andito na ang ikakasal!" Sigaw ng isang sakristan habang nagmamadali patungo sa altar kung nasaan ang pari na magkakasal

"Andito na sya maghanda na kayo!" Rinig kong ani ng ina ng aking mapapangasawa

Aligigid ang buong tao na naroroon parang balisa at may gustong sabihin bakas din sa mga mukha nila ang pagtataka

"Ano ba ang nangyayari?" Wala sa sariling usal ko habang naglalakad papalapit sa pintuan ng simbahan

"Kendall?"balisang sambit ng ina ni Justin

"Tita mommy bakit po?" Naguguluhang sabi ko at pinag hawak ang dalawa kong kamay

"Bakit nauna kapa dito iha wala pa dito si Justin?" Nag-aalalang banggit nya sabay hawak sa panyo at pinunasan ang sariling pawis

"Huh? Paano po nangyari yun sabi po alas dos ng hapon mag sisimula ang seremonya nag text nga po sya sakin nung ala una" Biglang naka dama ako ng kaba at takot unti unting lumalabas ang mga pawis ko sa katawan ngunit isiniwalang bahala ko ito

"Anak! Pa-kalmahin mo ang iyong sarili wag kang magpapadala sa takot at kaba matutuloy ang kasal mo" nginitian ako ni mama ngunit alam ko sa sarili ko na plastik ang ngiti nya at nangangamba rin

Wala na akong magawa kundi umupo sa isang tabi at humagulgol sa iyak

"Anak wag kang umiyak wala pang treinta minutos ang pagkawala ni Justin dadating sya magtiwala kalang" pilit akong pinapasigla ng aking ina at patuloy na pinapadama na dadating si Justin

"Ma bakit po wala pa si Justin" wala sa sariling sambit ko at patuloy na paghagulgol

"Anak darating sya tiwala kalang nasa tahanan tayo ng panginoon gagabayan ka nya"pagbibigay sakin ng lakas ng loob ng aking ina

Lumipas ang tatlong oras unti unting umaalis ang mga bisita na inaalalayan ng aking ina at mama ni Justin ang mga umaalis na bisita ay pinapa punta namin sa reception kung saan andoon ang mga handaan

"Mare alis na kami" paalam ng kumare ng aking nanay

"Sige mare! Mauna na kayo sa reception at susunod nalang kami"naka ngiting banggit ni mama

Be MineWhere stories live. Discover now