Kendall POV
"Justin" sa pangalawang pagkakataon na pag banggit ko sa pangalan nya parang hinigop nito ang unting lakas ng loob ko na nagpapatibay sakin, ramdam ko ang pag-nginig ng mga tuhod ko parang babagsak ako sa kinalalagyan ko
Maraming aparato ang nakadikit sa katawan nya na parang ito nalang ang dahilan kung bakit pa sya nabubuhay
Mas lalo akong nawala sa wisyo ng marinig ko ang tunog na hindi ko nanaising marinig nakita ko ang pagpasok ng mga nurse at doctors kasabay ng pagpasok ng magulang namin ni Justin
"Mahal ko paalam" mahinang bulong sa akin ng kung sino man nag taasan ang balahibo ko at nadama ang huling yakap na ngayon ko nalang mararanasan lumilipad ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin pero naliligo ako sa sarili kong pawis
Niyakap ako ni mama at tita na nakapag bigay lakas loob na tignan si Justin
Tinatanggal na ang mga aparatong nakadikit sakanya unti unti itong binubunot
"Time of death 10:54 am" napuno ng iyakan at hagulgol ang buong kwarto napaka-ingay wala kang maririnig na isang salita kundi mga iyak lang na parang mga bata na umuungol sa sakit,poot,pagdadalamhati ang nadarama
"Mama wala na po si Justin ano ang gagawin ko?" humagulgol na ko sa iyak na parang batang inagawan ng laruan niyakap nya ako at pinapatahan
"Anak siguro may ibang dahilan kung bakit sya nawala"tanging sambit ng aking ina na hinihimas ang akibg likod para tumahan
"Kumare Kumpare nakikiramay ang buo kung pamilya hindi namin kayo iiwan tutulungan namin kayo" sabi ng aking ama
"Salamat kumpare" di man ito umiiyak pero makikita mo sa mga mata nya ang lungkot na dulot sa nangyari sa kanyang anak
"Mare samahan mo muna ang iyong anak at baka mapano sya" pag-aalala sakin ni tita at sabay akong niyakap na sobrang higpit
"Salamat kumare hayaan mo't iiwanan ko dito ang aking asawa para may tumulong sainyo at susunod nalamang ako" inalalayan ako ng aking ina palabas ng silid sumilip mo na ako sa huling pagkakataon na makita syang nakahiga at hindi sa nitcho
Paglabas namin ng hospital walang mangahas na magsalita parang di rin kami mag-kasama kahit namab siguro pansinin nya ako ay hindi ko naman ito sasagutin
Pumara si mama ng taxi at itinuro nya sa driver ang bahay namin habang tumitingin ako sa labas ng kotse makikita mo ang mga tao na masaya kasama ang espesyal na tao sa kanilang buhay di ko maiwasang isipin ang mga iniwang alaala ng aking minamahal
Naalala ko tuloy nung nag date kami at may nakita akong ipis sa daan bigla akong napatili at tumalon dahil sa ka-gagahan natapilok tuloy ako at sumakit ang aking paa labis ang pag-aalala kita ko yun sa kanyang mata pero ngisi lang ang ginanti ko sakanya pilit akong tumayo kahit nahihirapan at sinimulang maglakad iniwan ko nalang sya at nauna sa restaurant na pagkakainan namin habang naglalakad palala ng palala ang sakit parang pinupulikat ang paa ko natumba ako sa sobrang kayabangan ko at buti nalang nasalo ako ni justin sobrang lapit ng mukha namin hinalikan ko sya ng mabilisan sa labi at inalis ko ang kamay nya sa bewang ko sabay umikot sa kanyang likod at tumalon
YOU ARE READING
Be Mine
Teen FictionKendall Del Rosario just an ordinary girl katulad lang din sya ng babaeng nakikita mo araw-araw tipikal na girly na babae pero palaban makakayanan nya kayang labanan ang pagsubok na haharapin nya makakaya nya ba ulit buksan ang nawasak nyang puso da...