Chapter 3

8 1 0
                                    

Kendall POV

Tahimik kaming dalawa simula ng pumasok kami sa kotse siguro ramdam ni Rosie ang lungkot at takot na nadadama ko ngayon

Narinig ko ang mahabang higop nya sa hangin at pinakawalan lahat ito

"Sissy? Ano yung feeling nung nakita mo syang nag-aagaw buhay?" Tuluyan nyang binasag ang katahimikan at tinitigan ako

"ulol tumingin ka sa dinadaanan mo baka sumunod agad tayong dalawa"nginisian ko sya yun naman talaga balak ko eh ang sundan sya para tuluyang magkaroon ng forever

"Hahahaha..." Tawa na alam kong peke "Pero seryoso anong feeling?" Nakatingin sya sa daan habang nagsasalita

"Gago ikaw kaya mamatayan sa tingin mo anong mararamdaman mo dapat kabang tumawa habang may patalon-talon at palakpak pa bobo amputa" biro ko sakanya tsaka binatukan ng malakas

"Siraulo! Common sense Kenny malay mo masaya ka kasi wala na syang madadamang paghihirap mix emotion kumbaga" bakas sa mata nya ang inis kaya lalo ko pa itong inasar

"Sorry wala akong common sense bobo ako mana ako sayo"natatawa kong banggit habang sya ay di na mapinta ang mukha

"Baliw ka! Seryoso ako dito gusto mo ba tampalin ko yang atay at apdo mo sama ko na pati utak ng malinawan kang gaga ka!" Halos maputol ang litid ng ugat sa kanyang leeg ng bulyawan nya ako nginisihan ko lang ang gaga at nagseryoso

"Nang pumasok ako gusto ko na agad umiyak at umalis sa kwartong iyon dahil ayaw kong makitang nahihirapan ang taong mahal na mahal ko halos makina nalang ang bumubuhay sakanya nakita ko syang humihinga at patuloy na lumalaban papalapit ako ng papalapit sakanya bumuntong hininga sya ng mahaba na akala mo aangkinin na ang lahat ng hangin ngunit yun napala ang huling hiningang mailalabas sa mundong ito iniwan nya na ako yun narin ang huling pagkakataon na makikita syang buhay at mahimbing na natulog" habang inaalala ko ang nangyari parang gustong tumulo ng luha ko tama na muna ang mga nabuhos kong luha simula kanina pero wala traydor ang luha ko at naglaglagan ito

Be MineWhere stories live. Discover now