Tama pa ba, o Tama na?
By: Rosanna AverillaMahal?
Oo, mahal pa din kita.
Mahal pa din kita kahit ayaw mo na.
Mahal pa din kita kahit sawa ka na.
Mahal pa din kita kahit may iba ka na.
Mahal pa din kita kahit sumuko ka na sa "tayo" dahil mayro'n ng "ikaw" at "siya."Mahal pa din kita.
Oo, mahal na mahal pa din kita.
Pero hindi ko alam kung tama pa bang mahalin ka pa, o tama na.Tama pa bang magpakalunod ako sa akalang pwede pa, o tama na?
Tama pa bang umasa ako na baka bumalik ka pa, o tama na?
Tama pa bang kiligin ako sa munting pagtingin sa mga larawan mo, o tama na?
Tama pa bang hintayin kang magising sa katotohanang ako talaga ang mahal mo, o tama na?
Tama pa bang pangarapin ko na sana'y pipiliin mo ako ulit, o tama na?
Tama pa bang ipagdasal na sana'y muli ka Niyang ibigay sa'kin, o tama na?
Tama pa bang maghangad ako ng kahit katiting na atensyon mo, o tama na?
Tama pa bang hanapin ka ng puso ko kahit alam kong hindi na dapat, o tama na?
Tama pa bang humingi ako ng isa pang pagkakataon para sa ating dalawa, o tama na?Mahal,
Tama pa bang mahalin ka, o tama na?
Kasi ayoko na.
Ayoko ng umasa na baka pwede pa.
Kasi napapagod na'ko.
Napapagod na'kong maghabol sa'yo at humingi ng oras mong hindi mo maibigay bigay.
Kasi sawang sawa na'ko,
Sawang sawa na'kong masaktan ng paulit ulit sa paulit ulit din na dahilan.Mahal, patawad.
Patawad pero hanggang dito nalang.
Ilang beses kong tinanong sa aking sarili kung tama pa bang mahalin ka, o tama na?Ngayon, alam ko na.
Alam ko na na dapat tama na.
Tama na ang pagpapakatanga.
Tama na ang kakaasang babalik ka pa.
Tama na sa mga panaginip na balang araw, pipiliin mo ulit ako.
Tama na sa 'tayo.'Kasi wala ng "ikaw" at "ako."
Tapos na.
YOU ARE READING
Tama pa ba, o Tama na?
PoetryMy piece for a spoken word poetry. Tama pa ba, o Tama na? #spokenwordpoetry