Chapter 2: Part 5

17 1 0
                                    

Sinagot ni Britt ang tumatawag sa kabilang linya. Ini-loudspeaker niya ito.

Britt: Hello?

Alexandria: Hello, may I talk to Macky?

Sumenyas si Macky na wag sabihing kasama siya.

Britt: Sorry, he’s not here eh.

Alexandria: Where is he?

Britt: He’s still in the school.

Alexandria: Okay. By the way, who is speaking?

Sumenyas si Macky na sabihing girlfriend siya nito. Pero umiiling si Britt. Nakiusap si Macky kaya pumayag na din siya.

Britt: I’m his girlfriend and you?

Hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya

Britt: Hello? Still there?

Ibinaba ng nasa kabilang linya ang phone.

Britt: Bastusan? Sino ba yun?Inglesera huh.

Macky: That’s my ex-girlfriend.

Britt: Ex na naman pala eh. Ba’t hindi pa ikaw ang nakipag-usap? Don’t say, bitter ka.

Macky: Hindi mo kasi alam kung ano ang nangyari, so stop teasing me, okay?!

Britt: Nagtatanong lang yung tao eh. Hindi mo naman kailangan na sigawan ako ah! Ewan ko sa’yo!

Bumaba siya sa kotse. Nasa loob na siya ng subdivision at 5 minutes pa ang lalakarin niya bago makarating sa kanila.

Macky: Hoy! Bumalik ka nga dito!

Tuloy tuloy lang siya sa paglakad habang nakasunod sa kanya si Macky na nakasakay sa kotse. Nakarating si Britt sa kanila nang hindi man lang kinakausap si Macky. Pumasok na siya sa bahay nila.

Molly: Hi ate. How’s your day?

Britt: Napakapangit.

Molly: Kumain ka na, tulog na si mama eh.

Britt: Hindi na ako kakain, nawalan na ako nang gana.

Masama ang loob ni Britt kay Macky pero naisip niya na bakit masyado siyang affected nang sinigawan siya nito.

Molly: Ate! Ate!

Binuksan ni Britt ang pinto…

Britt: Bakit?

Molly: May naghahanap sa’yo sa baba.

Britt: Sino?

Molly: Basta. Bumaba ka na lang.

A Bet for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon