Chapter 1: Part 1 - " Britt"

51 1 0
                                    

Naiirita si Britt sa mga kalampagan sa baba ng kanilang bahay. Muli, lumipat na naman sila ng bahay dahil sa pribadong problema ng kanilang ina na hindi pa sinasabi sa kanila dahil masyado pa raw silang bata. Nais niya na maidlip sandali pero naaalimpungatan siya dahil sa ingay na dulot ng paglilipat ng mga gamit sabago nilang tirahan.

Nanay Mercy:Britt, anak, bumaba ka muna dito sandali at tulungan mo ang kapatid mo sa pag-aayos ng mga gamit dito. Mamaya ka na matulog.

Britt: Opo! Bababa na po.

Sa totoo lang, inis na inis na si Britt dahil pakiramdam niya ay hindi siya normal na isang teenager dahil sa paglilipat lipat nila ng matitirhan. Lagi niyang naiisip na wala siyang masasabing tunay niyang kaibigan dahil wala pang isang taon ay lumilipat na naman sila sa ibang lugar.

Molly: Ate! Bilisan mo naman d’yan! Napakadaya mo naman, lagi na lang ako ang nag-aayos ng gamit natin!

Britt: Eto na nga o! Nand’yan na!

Ayaw na ayaw ni Britt na maglilinis siya dahil kinatatamaran niya ang ganitong gawain. Napakainit ng tanghaling iyon at ang gusto niya lang talagang gawin ay magbabad sa pagligo pero naaawa din naman siya sa nanay niya na litung-lito na sa pag-aayos ng gamit nila.

Nanay Mercy: Britt, kunin mo ito at ilagay mo d’yan……britt, dalhin mo ito sa taas at pampasikip lang dito…….tumayo nga kayong dalawa d’yan at tulungan n’yo akong buhatin ito at ilagay sa sulok……saan ba magandang ilagay ‘yung T.V.?......

Hindi naman gaanong kagandahan ang bago nilang tirahan sa isang subdivision pero mura ang kanilang upa doon at may kalakihan din naman para sa kanilang tatlo.

Ding! Dong!

Nanay Mercy: Britt, buksan mo ‘yung pinto at tingnan mo kung sinong nandoon.

Britt: Okay po! (Pagbukas ng pinto) Bakit po?

Mrs. Christine: Hello! Nakatira nga pala ako d’yan sa tapat. Nasaan ang mother mo? May dala nga pala akong kare-kare.

Britt: Ah okay po. Pasok po kayo. Tatawagin ko lang po si Nanay. (Tinawag ang nanay niya)

Dumating si Mercy na may dala-dalang basahan at isang vase.

Nanay Mercy: Ano pong kailangan nila? (Ibinaba ang kanyang dala)

Mrs. Christine: I’m Christine Singson, d’yan lang ako sa tapat ng bahay n’yo nakatira. Nagdala nga pala ako ng kare-kare as a sign of my hospitality to my new neighbors. I hope you like it. ^o^

Nanay Mercy: Naku, nag-abala ka pa. Salamat ha. Ako nga pala si Mercy de los Santos, glad to know you.

A Bet for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon