CHAPTER 03

1.2K 38 0
                                    


AILEEN MARIE POV

"Mae wake up."

"Mom! Five minutes po."

"Jusko kang bata ka bukas na ang first day of school wala kapang gamit, bumangon kana dyan at mag bihis, pumunta ka sa mall para makabili ka na ng kailangan mo sa pag aaral mo."

"Pero Mom! Mamaya konti po inaantok pa po ako."

"MAE HNDI KA TATAYO DYAN ANONG ORAS NA!"- bigla ako napaupo ng biglang sumigaw si Mommy.

"Ito na po tatayo na!"

"Pagkatapos mong maligo bumaba kana at kumain na ng tanghalian."

"Yes po!"

Pumunta na ako sa CR at naligo then pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto.

"Pupunta dito ang daddy mo mamayang gabi, dito daw siya magdi-dinner."- natahimik lang ako sa sinabi ni Mommy at kumain ng mabilis.

"Mom alis na po ako."- paalam ko at hinalikan ang pisnge niya.

"Ingat anak."

"Ok po Mom."- agad na ako lumabas at dumiretsyo sa sakayan ng Jeep

"Kuya paabot nga po."

"Saan to?"

"Sa mall po!"- agad na umusad ang jeep, nagko-commute lang ako. May kotse naman sa bahay ayoko lang gamitin dahil galing yun sa magaling kong ama.

Ang sama-sama nya.

FLASHBACK
(Nung third year high school ako)

"Mom I'm here!"- saad ko ng pagkarating ko galing school.

"Niloko mo ko ang sama-sama mo."

"I'm so sorry! Mahal kita pero mas mahal ko sya."

"Edi doon kana, pano mo nagawa sa akin ito Edward ha? Kaya pala hindi mo ako mapakasalan dahil kasal kana, kapag nalaman ito ng anak mo magagalit siya alam mo naman na papa's girl ang anak mo paagnalaman nya na anak mo lang sya sa labas! Wala akong kaalam-alam na kabit pala ako t@n***na."

"Kukunin ko si Mae sayo! Tanggap naman siya ng asawa ko."

"No! Hindi ayokong mawala sa akin ang nag iisa kong anak."

"Bkit? Anak korin naman sya."

"Di porket hndi lang kayo maka buo kukunin mo sa akin ang anak ko. Never ko siyang ibibigay sayo, umalis kana dito hindi ka namin kailangan ni Mae! Hinding Hindi mo sya makukuwa sa akin anak mo lang sa labas si Mae, gumawa na lang kayo wag lang ang anak ko ang kunin nyo."

"M-mommy t-tatama bang yung narinig ko anak lang ako sa labas?"- kinakabahang tanong ko, sana! Sana hindi totoo yung narinig ko.

"Mae anak magpapaliwanag ako."

"SAGUTIN NYO ANG TANONG KO ANAK BA AKO SA LABAS AT IKAW MOMMY KABIT KABA HA?"- hindi ko mapigilan sumigaw.

"Oo anak!"- mommy

"Bakit Dad? Bakit?"- maiyak iyak na tanong ko kay Daddy pero yumuko lang siya kaya tumakbo agad ako sa kwarto at nag kulong.

END FLASHBACK

Napaluha ako nang maalala ko ang kaganap na iyon.

"Hey are you ok?"

Tango lang ang ginawa ko hindi kase ako nakikipag usap sa mga lalaki eh Simula ng nalaman ko tungkol Kay daddy

"Kuya para po."

Bumaba na ako at pumasok na ng mall at bumili ng kailangan ko

__________***__________

VOTE&COMMENT

Niwell_01

Plagiarism is a crime

My Boyfriend Is A Gang Leader (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon