"Karylle may naghahanap sayo!" agad na pinunansan ni Karylle ang kanyang tumatagaktak na pawis. Nakita niya si Vice na nakaupo sa labas ng coffee shop.
"Bakit di mo sinabi na nandito ka na pala." sabi ni Karylle bago iabot ang isang baso ng coffee kay Vice.
"Surprise pa ba yon pagsinabi ko." natatawang sabi nito. Inilapag niya ang kanyang tasa at tumayo. Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng apron ni Karylle at isinabit ito sa kanyang inuupuan.
"Hoy teka may trabaho pa ko!"
"Day off mo ngayon miss. Itotour mo ko sa Barcelona." sabi ni Vice bago iabot ang mapa kay Karylle. "Ano to?" natatawang tanong ni Karylle.
"Boba ka ba?"
"Alam kong mapa to pero bakit mo ko binibigyan ng ganito?"
"Tatanga tanga ka kasi lagi." sabi ni Vice bago hitakin ang kanyang kaibigan.
"Pag iniwan kita dito." pananakot ni Karylle.
"Uy wag charot charot lang K!"
Pinagpatuloy ng dalawa ang kanilang paglalakad hanggang makarating sila sa Park Guell. Nang makakita ng upuan agad na umupo si Vice at inilatag ang kanyang sketch pad at lapis sa bench. He started to sketch the place. Pinagmamasdan naman siya ni Karylle sa kanyang ginagawa. "Architect Jose Marie Viceral." napalingon naman si Vice sa sinabi ni Karylle.
"Ang gandang pakinggan noh?" tanong nito.
"Sayo din naman ha. Architect Ana Karylle Tatlonghari." sabi ni Vice habang gumagawa ng gestures ang kanyang kamay.
Napansin ni Vice ang biglang pagtahimik ng kanyang kaibigan. Tinapik niya ito sa tagiliran at inilagay ang kanyang kamay sa shoulders ni Karylle.
"Alam mo maganda ka dito sa view na to teka pang dp." he said to change the topic.
Natawa naman si Karylle at sinunod ang sinabi ng kaibigan. Vice was taking pictures of her in the whole park. Nagpatuloy ang dalawa sa pag iikot sa kabuuan ng lugar.
"Kailan uwi mo ng Italy?" tanong ni Karylle while eating her ice cream.
"Kakadating ko lang dito pinauuwi mo na ko. Dinalaw lang talaga kita dito. Pero babalik din ako nagbakasyon lang. Stressed na ko sa trabaho." paliwanag ni Vice.
"Babalik na ko ng Pinas." she uttered.
"Karylle?" sabi ni Vice while looking at her friend. She was about to cry pero Karylle managed to hold back her tears.
"Mas kailangan ako ni papa sa Pinas. Saka mas madali naman akong makakahanap ng trabaho dun."pagpapaliwanag ni Karylle.
Hindi niya alam kung anong gagawin niyang pagpapatahan sa kaibigan. Hindi niya kayang makitang nagkakaganito si Karylle. Nahihirapan ang taong may special na pwesto sa puso niya.
"Tahan na." sabi ni Vice while stroking her back.
"Bakit ang bait mo sakin Vice?" tanong nito.
"Diba nga sabi mo magkaibigan tayo? Alele umaasa ka nanaman teh." he said with a smile.
It was midnight ng makaramdam ng pagod ang dalawa mula sa paglalakad. Karylle stopped for a minute at naupo sa isang gilid where they watched the view of the whole city.
"Ang ganda." Karylle said admiring the view.
"Oo ang ganda." he then replied while looking at her.
Sa unang pagkakataon naramdaman ni Vice ang pagtibok ng puso niya.
--
Patulog na sana si Vice ng makita niyang nakabukas ang pintuan ni Karylle. He stepped closer. At naupo sa gilid ng kama ni Karylle. He stroked her hair and tucked it behind her ears. Hindi niya mapigilang mahulog sa babaeng nasa harapan niya. Ang babaeng unexpected niyang nakilala years ago.
"Nung unang beses kitang nakita alam na ng sarili ko na mahal kita. Gabi gabi akong ginugulo ng mga panaginip ko Karylle. Hindi ko masagot ang mga tanong ko. Pero iisa lang ang alam ko, I knew I loved you before I even met you Karylle." he closed his eyes at pinilit na itulog ang kanyang problema.
Karylle was awake habang nagsasalita si Vice sa tabi niya. Tumulo ang luha niya kasabay ng kanyang pagbuntong hininga.
"I still don't know the purpose kung bakit sa lahat ng pwede kong maging misyon ikaw pa ang napunta sakin. Magaling din tong si Ina." nakangiting sabi ni Karylle bago tuluyang makatulog sa bisig ng binata.
Maagang nagising si Karylle para maghanda ng agahan. Habang naghuhugas ng pinaglutuan niya agad siyang sumigaw para tawagin si Vice na natutulog sa katabing kwarto.
"Sorry ha ang aga kitang nagising. Mukhang di ka pa naman sanay. May trabaho kasi ako ngayon, iniwan ko yung number ko sa tabi ng telephone kung nagugutom ka sa tanghali may number ng mga fastfood diyan. Nagmamadali lang talaga kasi ako mapapaga—" naghinto sa pagsasalita si Karylle ng ilagay ni Vice ang kanyang daliri sa tapat ng labi ng dalaga.
"Dami mong sinabi miss. I can handle myself." sabi nito bago kuhanin ang mga plato na hawak ni Karylle.
"Sure ka ha? Babawi na lang ako sayo bukas. Sorry talaga."
"Shhh! You should go." natatawang sabi ni Vice habang pinagmamasdan ang paglabas ni Karylle sa pintuan.
Binuksan ni Vice ang kanyang maleta at hinanap ang isang libro na matagal na niyang tinatago. Ang libro ni Alena. Finlip niya ang mga pahina ng libro hanggang sa nahulog ang isang lumang litrato. Pinagmasdan niya ang litratong hawak. "Kamukhang kamukha ka nga niya Alena."
"Nabuhay ako sa pangalawang pagkakataon upang mahanap ka. Akala ko mawawalan na ng saysay ang pagbalik ko sa mundong ito Mahal. Maaring magkaiba nga kayo ng panloob na katauhan pero naniniwala akong iisa lang kayo kagaya ko at ni Ybarro." muling inipit ni Vice ang hawak na larawan at niyakap ang librong kanyang hawak.
"Hindi na ako si Ybarro dapat makalimutan na kita Alena. Magsisimula muli ako sa katauhan ni Vice."
--
kala ko di na ko makakapagud HAHAHAHA. Babawi ako masyadong busy lang this past few months bc studies saka research 🙄. Layag babies! 💛