Chapter 9

886 24 6
                                    

Karylle found herself standing in front of a tomb. This time she's not crying anymore. Pinipilit niyang maging matatag. Hindi niya alam ang gagawin niya, kung uupo ba siya sa damo o mananatiling naka tayo. She is holding a bunch of sunflowers na halos mabali na sa higpit ng pagkakahawak niya. She placed it above the grave at nagdecide na umupo sa harapan nito.

"Hi my love." dito palang ay naiiyak na siya.

"Pasensya ka na ngayon lang ulit nakadalaw si mommy." di na inisip ni Karylle kung may nakakakita ba sa kanyang magsalita magisa.

Hinaplos ni Karylle ang puntod ng anak na tila ba ito ang nagsisilbing mukha nito.

Sebastian braeden

Kung hindi mo titingnan ng maigi ang nakasulat dito hindi mo mapapansin na ang puntod na ito ay halos 101 taon na mahigit na nakapwesto sa lugar na yan.

"Brae anak miss na miss ka na kita. Gusto na kita makasama diyan. Alam mo ba ilang taon na kong pinanghinaan ng loob na makita ang daddy mo? Ang tagal kong hinanap. Hilig talaga makipagtaguan non." sabi ni Karylle habang tumatawa. Pilit niyang ginagawang masaya ang vibes para hindi siya umiyak.

"Pero nakita ko na siya ngayon. Kasal na nga si daddy mo eh. Hindi nga lang sakin. Di ko alam anak kung maibibigay ko pa ba sa'yo ang hinihiling mong mabuo ang pamilya natin. Lalo na't may ibang baby na si daddy." inilabas ni Karylle ang cellphone niya mula sa bulsa at binuksan ang gallery niya.

Pinindot nga ang picture niya at ni Sebastian. "Mag hi ka kay Sebastian baby." sabi niya bago iharap ang cellphone sa puntod ng anak.

"Sobrang cute na bata. Kasing bibo mo. Oh wag kang magtampo ha love ka din ni mommy. Lagi mong babantayan yang kapatid mo ha malulungkot kasi daddy mo pag may nangyaring masama diyan. Don't let him be in danger."

Bigla namang lumapit si Sebastian mula sa kotse. Nakalimutan na niyang kasama pala niya ito.

"Mama K!" pagtawag nito sa kanya. Tumatakbo ito papalapit kay Karylle habang hawak ang isang stalk ng sunflower na mukhang nakuha niya mula kay Karylle.

Nang makalapit si Sebastian binuhat niya ito at inupo sa tabi niya. "Sino siya?" inosenteng tanong ng bata.

"Baby ko." sabi ni Karylle habang yakap si Sebastian mula sa likuran nito.

"Ha? May baby ka? Asan siya?" nagtatakang tanong ng bata at nag scratch sa ulo nito.

"Nandun siya baby oh." Nakatingala silang dalawa sa langit habang si Sebastian naman ay tumatawa habang hawak ang bibig niya.

"Loko mo ko eh. Di niya kaya nagfloat wala naman siya pawers."

Lumuhod si Karylle at pinantayan ang taas ng bata. "Kasama niya si Papa God dun." sabi ni Karylle habang tinuturo ang langit.

"Eh-eh bat siya nandon. Ayaw niya kasama ikaw?"

"Kailangan na kasi niya lumayo kay tita Karylle kasi malaki na siya." Hindi alam ni Karylle kung paano ieexplain sa bata.

"Big boy nadin ako pero di ko iwan si daddy at mommy." he played with the petals.

Muli niyang niyakap ang bata. "Wag mo iiwan si daddy mo at si mommy mo. Malulungkot sila sige ka."

"Edi lungkot ikaw?"

"Hindi."

"Iwan ka Brae eh."

Ngumiti na lang si Karylle sa bata dahil hindi na din niya alam kung paano niya ito i eexplain dito.

"Balik na tayo?" tanong niya kay Sebastian bago tumayo. Tumango lang ito at hinawakan sa kamay ang tita K niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Day / ViceRylleWhere stories live. Discover now