First Day of Classes

25 4 2
                                    

Marcus' POV

This is it.

First day of classes.

High School na rin ako.

Sa Wakas!

Ito na ang pinakamasayang yugto ng buhay ko.

Ito ako. Naglalakad. Papuntang Parada National High School dala ang aking pinaglumaan pero maayos pa na bag.

Inaasahan ko naman na, may mga lumang mukha at may mga bago rin sa aking paningin.

Kinakabahan ako pero naeexcite din. Syempre first day of Class.

Napansin ko naman na pagkadating ko ng PNHS, ay matagal tagal ko rin palang kinausap ko ang sarili ko.

Maya-maya pa ay nasa PNHS na rin ako.

Sa Wakas.

Pagpasok ko ...

May maliit na waiting shed sa kaliwa ang nakita ko. Nakita ko nanaman ang mga kabarkada ko mula noong elementarya kami. Kumakaway sila. Saakin?

Pumunta naman ako sa kanila.

"Kumusta ka na Marcus!?" Sabi ng nasa kanan ng kaharap ko. Si Ger. Sya lang naman ang..... Siguro pinakamabait saamin?

"Okay lang" sabi ko habang nakatingin ako sa maamo niyang mukha. Di parin sya nagbabago.

Hanggang may kumausap nanaman saakin.

Hodd's P.O.V.

Pagkalabas ko ng kantin ay may nakita akong pinagkakaguluhan. Sa waiting shed.

Tumakbo ako nang mabilis hanggang makita ko ang isang lalaki na nakatalikod saakin.

Tinignan ko ng mabuti. Pandak, medyo malago ang buhok malapad ang ulo... T-t-teka?! Marcus?!

"Uy! Marcus! Buhay ka pa?" sigaw ko sa kanya ng pabiro at Lumingon naman sya.

Hindi parin talaga sya nagbabago. Matalino parin kahit titigan mo lang.

"Kaya nga e" sagot nya naman sa akin ng pabiro

Marcus' P.O.V

Si Hodd lang pala. Nakakagulat sya.

Marami rin ang mga dati kong kaklase na kumausap saakin doon.

At maya-maya pa ay kinausap ko si Alexha Macaculop isang transferee ng Gen. T. De Leon ES. Matindi ko syang kalaban.

Nag-usap kami tungkol sa mga academics namin nung Elementary kami.

"Ah, ako naman pala recite lang talaga ako" sabi nya saakin ng malumanay.

"Ah pero humahabol sa Periodics?"

"A-ako? Umm--" nagulat ako at naputol ang sasabihin nya dapat saakin kaso biglang nagbell ng malakas.

Dun ko lang napagtanto na 12:30 PM pala ang pasok namin.

Pumila ako ng matino.

Paglakad ng Girls, saka kami bumuntot sa dulo ng pila nila.

Hanggang pahintuin kami ng paglalakad sa hallway ng 1st floor. Pinaalalahanan lang kami ni Ma'am Legarde.

Isang medyo harsh na teacher. Pero masaya din naman sya kausap.

Noong nakaakyat na talaga ang girls sa bawat room, saka kami pinatuloy.

Nasa 3rd floor pala ang Section A. Ang Section Bonifacio.

Bago pumasok ang unang guro namin, pumasok muna ang adviser namin at nagpakilala. Hindi lang sya ang nagpakilala pati kami. Isa-isa.

"Hello, I am Arianne Lemori--" sabi ng katabi ko na nagpapakilala sa harap. At pagkatapos nya, ako na.

At ayun, natapos na nga sya magpakilala.

Tumayo naman ako ng tuwid at tinignan ko ang paligid.

"Good Day, I am Marcus Cass Figar, you can call me Marcus. I can be your friend when you're my friend. I don't like plastic friends as what others call. I like Science, Mathematics and other subjects that I can understand so well. I hope we will be strong and one as United" dere-deretso kong pagpapakilala at napansin ko na natulala ang iba.

Well, ganun talaga ako magsalita. Harsh na kung harsh pero, I am saying what my mind is saying.

Pagkatapos namin magpakilala, ibinigay saamin ang schedule ng teachers namin sa Section namin.

Pagkatapos nito saka pumasok ang guro namin sa Math.

"Okay Class, all of you go in front" sinabi niya nang malumanay.

Pagpunta namin sa harap, inilagay kami sa mga upuan namin. As usual, dahil maliit ako nasa harapan nanaman ako.

"Okay that is your permanent seating arrangements in Mathematics" sabi ng guro namin. "I am Eleuterio Flores. I will be your teacher in Mathematics" dagdag pa niya.

Oras din ang lumipas, saka sya umalis sa amin. Dumating naman ang isang babae. May salamin. Mukha palang, parang magaling at matalino na.

"Okay Bonifacio, Good Afternoon," sabi nya. Nagsitayuan kami. "Good Afternoon Maam" sabay sabay naming sambit. "I will be your Science Teacher. I am Ms. Elisa Abalos". Pinapunta ulit kami sa harapan gaya ng ginawa ni Mr. Flores at inayos ang aming seating arrangements.

Ganun din naman ang ginawa ng mga ibang teachers.

Math- Mr. Flores
Science- Ms. Abalos
English- Mr. Roque
Mapeh- Mrs. Cabungcal na pinalitan ni Ms. Fabula
TLE- Ms. Sabino (Adviser namin)
AP- Mrs. Sylva
Filipino- Mrs. Timonel
ESP- Mrs. Sison

Lahat sila, pintayo kami sa harap at inayos ang seating arrangements namin sa bawat subject nila.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

A/N
As Usual sa umpisa wala PANG Thrill 😂😂 Tengkyuuu sa mga nagbabasa nitows 😂 Jstkprdng 😊

Vote na!
-Halieng Hotor Hue hue😂👽

Seating Arrangements [Editing]Where stories live. Discover now