SA- The Start

13 5 0
                                    

Marcus' POV
Pumasok ako ng 12 ayaw ko rin kasing mahuli sa klase e.

Nakakahiya kapag ganun.

Pagkapasok ko, nakipag-usap muna ako sa mga kaklase ko tungkol sa mga Asignatura.

At maya-maya, as usual nagbell ng malakas.

Bago umakyat ang girls, ipinatawag ang mga Marshalls ng school na to.

Silang mga Marshalls ang batas rito maliban sa mga kinauukulang guro.

Kapwa studyante rin sila. Ang tawag ng ibang schools sa Marshalls nila ay BSP.

Biyernes kasi ngayon kaya may Marshalls. Buti pa pag Lunes kasi mga GSP ang nagguide.

Bumalik ang 5 Marshalls sa pila ng Boys. Pinapaayos pala sakanila ang pila ng bawat studyante rito.

Magulo dito sa pila namin dahil ang mga Marshalls na ito ay napakahigpit.

Pinalakad na ang girls habang ang ibang Marshalls ay nakalinya sa daraanan ng bawat studyante.

Pagkaakyat namin may nakita naman kaming Grade 10. Dalawang Grade 10 ang nasa harap.

May iaanounce daw sila kaya hindi muna pumasok ang 1st Teacher namin.

Silang Grade 10 ang nagkklase sa room namin kapag umaga.

"Good Afternoon Bonifacio" -G10

"Good Afternoon Ate Rachelle at Kuya Mario" -Kaming lahat

"Okay Bonifacio, kung papansinin nyo, yung upuan natin, puro na vandals. Tama?" Sabi ni Kuya Mario

Bakla sya.

Nagsitinginan kami sa mga upuan namin at tumango ang iba habang may nagsabing 'Opo'

"Okay sa mga upuan na yan, may mga numero. Makikita nyo yun sa likod ng upuan niyo. Tandaan ninyo yung mga nakaupo sa mga upuan kasi kapag nagkaroon ng vandal, kung sino mang Grade 10 at Grade 7 ang nakaupo dun, sila mismo ang magpipintura. Maliwanag ba?" Sabi ni Ate Rachelle. Sya yung Presidente ng Grade 10.

"Opo" sabi namin.

Tumayo kami at tinignan ang mga numero sa mga upuan namin.

Saka pumasok ang Guro namin sa Matematika

At maya-maya ay may sumilip na Grade 10.

Si Kuya Mario.

"Sir, excuse po kay Roxette sabi ni Ma'am Salva" sabi nya.

Tita kasi ni Roxette ang isang guro dito sa PNHS si Ma'am Salva.

Dali-daling tumakbo si Roxette palabas.

Maya-maya ay hindi pa nakakabalik si Roxette.

Pinapakain ata ng Tita nya kasi hindi daw nagtanghalian sa kanila sabi ng iba kong kaklase.

Oras ang lumipas at bumalik na sya sa klase.

Roxette's POV
Umakyat ako ng hingal na hingal.

Antaas kasi ng room namin.

Pagkabalik ko, napansin kong naglilipatan na sila ng upuan dahil ibang guro na.

"Roxette, anong ginawa mo? Kumain ka daw kasi hindi ka nagtanghalian kanina?" Sabi ni Kleid.

Sabi ng iba kong kaklase, nagkakagusto daw sya saakin. Pero ikinakaila nya naman.

"A-ah, O-oo e!" Sabi ko nalang para hindi na sya mangkulit.

Hindi ko kinakaila, mabait sya. Maalagain pa.

Nagpapasalamat nalang ako na naging kaklase ko sya.

Kleid's POV
Tinanong ko si Roxette kung bakit sya natagalan sa baba kanina dahil may mga asignatura din kami sa Math.

Someone's POV
Ansarap ninyong tignan habang pinapatay namin kayo. Sige lang Take your Time na magsaya habang wala pa akong nakikitang dugo mula sa bawat isa sa inyo.

Take Your Time Bonifacios, Take Your Time.

---------------------------------------
A/N: Andyan na syaaa! Sino kaya sya? 😱 Atsaka, 'KAMI'?!

Waaaah Excited na ako sa mga next part pa ng S.A.

O mga Besss! Vote naaaa! ⭐ Labyou all 😘

Keep Reading! Muah! 😙

-Halieng Hotor Hue hue 😂👽

Seating Arrangements [Editing]Where stories live. Discover now