SA-Really?!

5 1 0
                                    

Kleid's POV

Nakabuo na kami ng body body group.

Maya-maya pa ay nagpaalam si Roxette sa amin na iihi lang daw sya.

"Guys, pwedeng umihi muna ako? Sige na mauna na kayo sa stadium susunod ako." Paalam niya sa amin.

Kinakabahan ako kasi... Wala siyang partner.

Dumeretso na kami sa soccer field.

Nakaharap kami ngayon sa big screen.

Matagal pa bago lumabas yung killer kaya nagsisitakbuhan yung mga kaklase kong makukulit at malilikot.

12:18 na nung bumukas yung big screen.

"Hello! Welcome to Hell" nakakairitang bati nito saamin.

Galit na galit kami sa kanya.

Kasi syempre, alam na namin ang mangyayari.

"Kumusta na kayo?" Tanong nito.

Kinakabahan ako kay Roxette. Wala pa rin kasi sya.

"O, Mr. Rasco, bakit parang kinakabahan ka?!" Tanong nito sa akin.

Nakita rin pala niya.

Nakita niyang kinakabahan ako.

"Di mo ba alam kung ano ang pagkakasunod sunod ninyo sa mamamatay?" Tanong nito.

Umiling ako.

Na may halo.

Halong inis.

Galit.

Pagkairita.

At

Pandidiri sa katauhan niya.

"Ano?! Hahaha hindi ninyo alam? Nawala na si Castal, hindi niyo pa rin alam?!" Tanong niya habang natatawa.

"Mamatay ka na!" Sigaw ko

"Chill! Eto na, iaanounce ko na kung sino ang mamamatay na susunod." Sabi ng malaki nitong boses.

"Mamamatay kayo ayon sa pagkakasunod-sunod ng upuan ninyo sa adviser ninyo. Oo, sa adviser ninyong hayup! Sa adviser ninyong pakialamera! Sa adviser ninyong malaki ang ulo. Oo! Kay Maam Sabino!" Sabi nito sa amin.

"Bwisit kaaaaa! Mamatay ka na! Hayup ka!" Sigaw ko.



"O, chill Mr. Rasco! Inis na inis ka na ba? Bakit alam mo ba kung sino yung susunod ha?!" Tanong niya

"K-Kleid, S-si Roxette. Si Roxette. Katabi ko kasi sya. Katabi ko sya kapag TLE time na. Pagkatapos ni Roxette, a-ako na" sabi ni Hodd sa akin ng nauutal habang nakaface palm.

"S-s-si R-Roxette?!" Sigaw ko nang nauutal.

"Oo Mr. Kleid, si Roxette Ann J. Villamar yung babaeng mahal na mahal mo. Tinatanggi mo naman kapag tinatanong ng iba. Yung babaeng yun. Yung hayup na yun. Sya nga" tuwang tuwa nitong sabi sa akin.

A-alam n-niya.

M-May alam s-sya tungkol sa akin.

"Bwisit ka!" Gigil kong sigaw.

"You're so late! Ibinalot ko na sya." Sabi nito

Ibinalot?

"Ibinalot?!" Marahan kong sabi.

"Yes Mr. Rasco, ibinalot ko sya pagkalabas nya ng CR." Sabi nito.

"Bakit?! May magagawa ka pa ba?!" Dagdag pa niya.

Seating Arrangements [Editing]Where stories live. Discover now