Ivan's POV
Nandito padin ako sa office kasama si mama. At oo. Hindi talaga siya umexit ng tuluyan kanina. Gusto lang daw niya ng dramatic exit haha
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon dito sa office. At kung nagtataka kayo kung bakit pwede siya dito, nako, kilala na yan ng guard.
Dejk. Kami kasi ang may ari ng school nato. Nagtapos din kasi ng teacher si mama dito sa K2 College kaya gusto niyang pangalagaan to. Kaya ayun, binili nila ni daddy. Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo mayaman kami hahahaha
"So, anong plano mo para ligawan yung manugang ko?" Seryosong sabi ni mama habang kumakain at hindi nakatingin sakin.
Shete kinikilig ako oh aking ina.. manugang agad? Agad agad?! 😂
"Hindi ko pa po alam ma. Kinakabahan ako lagi pag nandiyan siya e. Lagi ko nga siyang nasusungitan e." Malungkot na sabi ko naman sa kanya. Ewan ko ba! Lagi ko talaga nasisigawan at nasusungitan si Ash kapag magkalapit kami. Kawawa nga yung baby ko na yon e.. parang laging aping api. Hahaha pero cute
"josko halos mag tatatlong taon mo ng kinababaliwan yan pero wala padin. Mamamatay ata ako ng walang apo" napatawa nalang ako sa sinabi ni mama at nagbalik tanaw. Naks! Hahaha throwback muna tayo mga kapatid..
Flashback
Umuulan non at kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng luha ko.
Madilim ang paligid. Katulad ng madilim kong buhay ngayong wala na siya...
WALA NA ANG ASO KO!! HUHUHU OH SNOW... kung nasaan ka man naroroon ngayon, tandaan mo sana ang lubos na pagmamahal ko sayo.
College palang ako non, graduating, ng mawala ang aso ko. Nagddrama ako sa gitna ng ulan nang biglang may nakabangga sakin na babae. Maikli ang buhok at basang basa na din ng ulan.
"Miss? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya nung medyo nahilo ata siya. Witwiw. Ang ganda! Ang hot! (Basa na yung damit e)
Bigla siyang nahimatay sa harap ko non kaya taranta ko siyang binuhat papunta sa kotse ko --at oo may kotse ako. Sadyang nagddrama lang ako sa ulan.
Ang taas ng lagnat niya non tapos hindi ko naman alam kung saan siya nakatira kasi tulog siya. Kaya dinala ko nalang siya sa condo ko at don pinatulog. Pinapalitan ko din siya ng damit niya sa pinsan ko na tinawagan ko pa all the way from katabing condo unit ko haha.
Mahimbing siyang natutulog non kaya napagmasdan ko siya. Napakaganda niya talaga. Pero medyo mukang masungit.. siguro mga 18 na to. Pwede pwede hahaaha
Iniwan ko na siya at nagluto ng kakainin naming dalawa. Nagulat nalang din ako nung may nagsalita sa likod ko.
"Anong ulam?" Tanong niya habang kinukusot ang mata.
Hala! Ang cute naman nito.
"Amm.. sinigang na adobo, este, sinigang na hipon. Hehe kain na?"
Bigla siyang napamulat ng mata yung sobrang laki.. tapos hindi makagalaw.
Well, sino ba naman hindi kung ang nasa harap mo ay ang pangit na katulad ko. Hahaha naka nerdy glasses, chubby at may braces pa. San ka pa! At isa pa, nakakagulat naman talagang gumising sa ibang lugar.
"Sinigang?!" Odiba sabi sa inyo-- wait what?
To be continued..
***
*Wynd
BINABASA MO ANG
Dream No More
HumorA story of a teacher who fell in love with his student. A simple yet worth-reading story. :) HIS POV