8. Walang forever

10 0 0
                                    

Ivan Kristoff Smith

His POV

Ang tagal na din ang nagdaan simula nung unang pagsasabay namin ni Ash maglunch dito sa school. 24 hours to be exact.

Pagkatapos naming kumain kahapon, nawala na naman siya at hindi pumasok. Pano ko alam? Aba syempre ganyan ang umiibig! Haha

Pero ayon nga, hindi na naman siya pumasok. Sad na naman ang koya niyo


Kaya eto ako ngayon. Naglalakad ng very slow at very sad. Hindi ko na alam ang gagawin sa buhay ko kung wala siya char hahahahaha

Pero kidding aside, eto na at papalapit na ko sa bestfriend niyang si Kelly.

"Ms. Kelly, alam mo ba kung bakit absent na naman si Ashley ngayon?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Hala sir, excited yon umuwi kahapon eh. Nakalimutan na ngang may klase, baka dadating na po ang boyfriend non."


baka dadating na po ang boyfriend non

baka dadating na po ang boyfriend non

baka dadating na po ang boyfriend non

dadating baka non boyfriend


boyfriend dadating baka non


baka ang boyfriend non

WHATTTTTTTTT!?

MAY BAKA SI ASH?!

este

MAY BOYFRIEND SI ASH?!

Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko mismo yon mula sa bestfriend niya. Hindi ako makakilos at parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Tila unti unti akong minulat sa katotohanan at unti unting naging madilim ang paligid.


"Sir, okay lang po ba kayo? Natulala po kayo eh? Hehe." Kelly.

Hehe ka pa diyan. Hehe kaya kita?

"Sorry Ms. Kelly. May naalala lang ako na dapat dalawin sa sementeryo" sabi ko at dali daling umalis sa harap ng babaeng sumira ng araw ko lol bad me

"Luh si sir. Nilayasan ako." narinig ko pang sabi ni Kellt pero hindi ko na pinansin. Hindi naman ako galit sa kanya. Malungkot lang ako haha

Pero totoo ba yon? May boyfriend na si Ash? Bat hindi ko alam? Matagal na ko dito pero parang hindi ko naman siya nakikitang may kasamang kalandian. Wala din naman akong nababalitaan sa mga kaklase niya.

Siya ba yung lalaking kasama niya noon sa bar? Yung lalaking lasing na lasing at pinagkaabalahan ni Ash kaya hindi na siya nakabalik noon sa condo ko? Siya ba ang dahilan kung bakit tuluyan na kong nakalimutan ni Ash at hindi na naalala na minsan sa buhay niya ay may lalaki siyang nakilala. Chubby, naka braces at nakasalamin?

Kaya ba hindi na naalala ni Ash na minsan sa buhay niya, may lalaki siyang dinadalaw sa condo kasi hindi ako makalabas ng bahay at takot masikatan ng araw noon?

Siya ba? Siya ba ang umagaw sa baby ko? Huhuhu i can't take this anymore

Dadalawin ko muna ang puso kong namatay at pagkatapos non, maghihiganti ako. Jk.

Aalamin ko kung sino ang lalaking yon at kung nararapat ba siya kay Ash. Kasi wala naman akong magagawa kung siya ang mahal ni Ash eh. Ang magagawa ko nalang ngayon ay imake sure na hindi siya sasaktan ng lalaking yon.

Kasi ganon naman pag nagmamahal diba? Uunahin mo ang ikakasaya ng mahal mo kesa sa sarili mo.


Pero it hurts huhu

**

Dream No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon