Ivan's POV
Flashback***
"Sinigang!?" Odiba sabi sa inyo e-- wait what?
"Ummm.. oo Sinigang hindi ka ba-" pinutol niya agad ang sasabihin ko at..
"Paborito ko yannn!! Pero medyo favorite ko din ang adobo tsaka menudo. Pero hmmm.. parang favorite ko din yung bla bla bla bla" hahaahaha nakakatawa siya! Ang cute niya at hindi naman pala mataray.
Habang nagkkwento ng mga paborito niya, dumeretso na siya sa lamesa at sumandok ng kanin.
"Hehe kain na pala tayo.. gutom na kasi ako. By the way, nice place!" Masayang sabi niya. At doon nagsimula ang lahat.. naging magkaibigan kami at pabalik balik din siya sa condo ko non. Nalaman ko na 15 lang pala siya!
Mga limang buwan din siyang pabalik balik non sa condo ko ng biglang isang araw, hindi na siya bumalik. Inintay ko siya ng ilang araw, linggo, hanggang sa umabot ng buwan. Pero wala hindi manlang siya nagpaalam.
Sa sobrang lungkot ko non, nagstart akong mag gym. Yon ang pinagkaabalahan ko after graduation. Nagpatanggal nadin ako ng braces at nag contact lens. In short, gwapo na ko. Hahaha pero miss na miss ko na siya non.
Isang araw, niyaya akong magbar ng bestfriend kong si Jace. Sumama na din ako at medyo nasasanay na sa ganong lugar..
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko siya don.. pero agad din napalitan ng lungkot nung nakita kong may kasama siyang lalaki.
Mukang lasing na yung lalaki pero pilit niya pading pinipigilan sa pag inom. Muka na nga siyang stressed at nahihiya non e, medyo paiyak na din siya. Mukang boyfriend niya yon, hindi lang pala muka. Malamang boyfriend niya yon grabe kung makalingkis e.
Nakakainis! Kung kelan narealize ko na gusto ko na siya. Kung kelan.. miss na miss ko na siya at kung kelan isang tulak nalang at isang pagkikita nalang namin mahuhulog na ko ng tuluyan, tsaka pa ko naunahan. Bwisit!
Malungkot akong umuwi ng araw na yon at hindi na nga ako nakapag paalam kay Jace. Baka narape na yon don pero wala akong pake. Broken hearted ako pare, chupi ka muna.
Katulad noon, naglakad lakad ako sa ilalim ng madilim na gabi-- pero hindi na umuulan. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko, binigkas ko ang mga katagang...
"Mag mmove on na ko."
Isang taon na naman ang nakalipas at hindi ko parin siya nakakalimutan. Peste! Ang lakas ng kapit niya haha pero okay lang kasi nang ipinasok ako ni mama sa K2 College para magturo, nakita ko siya. Ang problema lang, hindi na niya ko tanda. Ang gwapo ko na kasi dude!
Napakasaya ko non, bonus na yung hindi ko na nakikita yung lalaking kasama niya sa bar. Malamang nag break hahaha kaming dalawa lang naman ang may forever e.
Pero hindi ko naman kayang magtapat o miski makalapit sa kanya kaya magpasa hanggang ngayon, hindi niya parin ako kilala. At hindi niya alam na in love ako sa kanya. Ang sweet no?
End of flashback.
***
*Wynd
BINABASA MO ANG
Dream No More
MizahA story of a teacher who fell in love with his student. A simple yet worth-reading story. :) HIS POV