"Sir, nabalitaan kong sinuntok niyo raw ang isa niyong estudyante?"
"Nagbibiruan ba tayo dito sir? Baka nakakalimutan mong paaralan ito hindi ring ng boxing?"
"Oh ganun ba?"
Pasimple at painosenteng sambit niya, ito naman ang naging dahilan ko para mapairap.
Tiningnan ko siya mula hanggang paa, animo'y walang nangyari sa kanya na hindi man lang siya nasindak sa sinabi ko na maaari siyang ma suspend? Parang tuwang-tuwa pa siya sa pinaggagawa niya.
Napalunok ako nang tinaasan niya ako ng kilay sabay ngisi.
Di naman kasi namin basta-bastang mapapaalis ang lecheng hinayupak na ito kasi magaling naman talaga siyang magturo ang kaso huwag na huwag lang talaga i-provoke kasi baka may dalubyong mangyayari.
Kaya nga lagi siyang suspended eh, hindi talaga nafa-fired ang gago kasi naman malaking kawalan ng school namin kapag ito'y pinatalsik.
At isa pa,
Asawa ko siya.
"10 days Mr. Kingston." Matapang na sabi ko, sampung araw siyang walang trabaho, bahala siya sa buhay niya.
"Thank you Mrs. Kingston." Ngumisi siya at kinindatan pa ako saka ito lumabas ng office ko.
Now what?
---
GANGSTER SI SIR?!
Sequel of Gangster ang Bakla
BINABASA MO ANG
Gangster si Sir!
HumorSequel of Gangster ang Bakla Papasok ka pa ba ng paaralan nang malaman mong GANGSTER pala si SIR?! PLAGIARISM IS A CRIME.