This first chapter is dedicated to Jonalyn, hello! Haha :)
"Bakit dito pa tayo nag dinner?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang paligid at iilan lang ang mga nandito, mga mayayaman lang ang kumakain at sobrang tahimik talaga, may naririnig pa akong jazz music, sobrang sosyal talaga!
Wala namang okasyon?
"Kasi gusto ko." Ngumiti siya at tinutukan ako sa mata, halos matunaw na ako sa titig niya kaya naman napayuko ako. Hindi pa rin ako komportable.
"Yung batang sinuntok mo? Asan na 'yun?" Nakakabwisit naman kasi kung bakit niya iyon ginawa sa bata! Nagsisisi na talaga ako kung bakit ko pa siya pinilit doon magturo sa school.
Ngumiti na naman siya at nilaro ang kubyertos, wala yata 'tong ganang kumain.
"Nasa bahay nina Cliff. Pamangkin niya kasi 'yun."
Hindi naman ako makakain nang maayos, tanga ba siya? Pamangkin pa talaga ng kaibigan niya 'yung sinuntok niya?! Napasapo nalang ako sa noo at binaba ang kubyertos. Napansin niya yata ang gawi ko kaya tiningnan na naman niya ako.
"I didn't punch him. It was just a show." Simpleng paliwanag niya kaya napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko talaga.
Kasi kung totoo 'yun? Aba nakakagago talaga! Masisira ang pangalan niya, gago nga ba talaga itong asawa ko? Anong trip niya?
"At bakit mo naman ginawa 'yun? Suspended ka na naman."
Ilang beses na siyang suspended, mas gugustuhin ko pa ngang mag resign na lamang siya kung hindi niya gustong magturo! O kaya naman doon nalang siya sa bahay magtitinda ng gulaman sa kanto! Mas mabuti pa 'yun! Mas safe diba!?
"Yeah, pero sayang pa rin eh. I can't spend 10 days with you. Busy ka eh."
Napanguso naman ako saka siya tiningnan.
"Malamang, sino ba naman kasing Pontio Pilato ang nagpromote sa akin!?" Masama ko siyang tiningnan at kumain na ulit.
Tumawa naman siya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"It's my choice."
Parang mas naging smooth ang mga galawan niya at konting ngisi niya lang ay kinikilig pa rin ako, ano ba Kayleen?! Matanda ka na, okay? Di bagay sayo, punyeta.
Hindi ka na college na bigla-bigla nalang mangisay kapag nakikita si crush!
"Gusto kong ma promote ka, so I gave my slot to you."
Ito na naman po siya! Kasi, siya talaga 'yung makakareceive ng promotion ang kaso ayaw niya. Napatanong ako kung bakit, pero ngumingiti lang siya.
BINABASA MO ANG
Gangster si Sir!
HumorSequel of Gangster ang Bakla Papasok ka pa ba ng paaralan nang malaman mong GANGSTER pala si SIR?! PLAGIARISM IS A CRIME.