II. "Minus points"

131 9 2
                                    

"Jam?!"

Naninigurado ako dahil nasa harapan ang buhok niya, natatakpan nito ang mukha niya.

Inayos ko ang buhok niya at hindi nga ako nagkakamali.

"Y-Y-You know me?!" Inis na tanong ng dalaga.

"Ay hindi? Hindi ikaw si Jam diba?" Sarkastiko kong sabi.

Sa lagay niyang 'yan di niya ako makikilala?

Patay ka talagang bata ka at lagi ka pa namang absent!

"Jamaica!"

Jusko po ayan na ang boses ni Skyler.

"S-SIR?!?" Gulat na gulat ang dalaga nang makita niyang nakahalukipkip na si Skyler sa labas.

"I'll call your parents." Sabi pa nito at nagdial na ng number.

"No!"

Aba, maldita din tong babaeng 'to ah!

"Ako ang masusunod! At anong ginagawa mo 'dun sa club? Napakabata mo pa." Matigas na sabi ni Skyler sa kanya at nag roll eyes lang si Jam.

"Lagi ka pa namang absent." Komento ko pero tama lang na hindi niya marinig.

"Hindi ba pwedeng ayaw ko lang sa school na pinapasukan ko?!" Iritable niyang sabi sa akin. Wala talagang modo tong babaitang 'to eh!

"O sige, lumipat ka ng school!" Sigaw ko sa kanya.

"Tama na nga para kayong mga bata. Jam, 'dun ka sa likuran susunduin ka ng parents mo sa 7/11."

"Tsk. As if namang susunduin talaga nila ako." Sabi pa ni Jam at lumipat na siya sa likuran.

"SIR?!? BAKIT DITO!?" Di makapaniwalang tanong ni Jam nang makarating kami sa bahay nila.

Ang laki naman pala talaga ng bahay nila! Ang laki ng pader, ganda ng pintura tapos iihian mo lang? Pwe naalala ko tuloy yung commercial ng Boysen Paints

Pero bakit kaya alam ni Skyler ang bahay nila?

"Jamaica!" May sumalubong sa amin, di naman matanda nasa 30 pataas pa ang edad.

"Sir, pagpasensyahan niyo na po ang pamangkin k--" hindi na natapos ang sasabihin ng babae dahil nag walkout na kaagad si Skyler.

Wala rin siyang manners oh. Di pa nga tapos magsalita eh.

"Sino 'yun?" Tanong ko sa kanya habang siya naman seryosong nagmamaneho.

"Bakit alam mo ang bahay nila?"

Di pa rin siya sumasagot.

"Kilala mo ba yung tita niya?"

Nagulat ako nang tiningnan niya ako ng napakaseryoso, "Seatbelt please."

Grabe. Ang layo ng sagot?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangster si Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon