TUL Chapter 2: A Plan to Start!

20 1 4
                                    

*alarm clock rings

Another morning nanaman. Napangiti nalang ako bigla nang walang dahilan hehehe.

I smell something really good. Ano yun? Baka may niluluto nanaman yung kapit bahay namin. Lagi namang masarap yung kinakain nila doon. Sana expert si Mama sa mga pagkain at meron siyang sariling specialty.

Tumingin ako sa kama kung saan natulog si Haley. Wait? Bakit wala siya dito? Si rosarius nga pala? Nakauwi na ba siya dito? Ang dami kong tanong. Maghihilamos nga muna ako >.<

Pagkalabas ko ay bumugad na agad sa akin si Haley na nanonood ng T.V. Wow ha? Feel na feel at home siya dito? HAHAHA. Sinong nagluluto? Si mama?

"Mama! Ano yang niluluto mo?" Sigaw ko sa bandang kusina

Nagulat ako dahil sumigaw nanaman ako. Nagkaroon ng kaunting biak ang sahig namin. Lagot nanaman ako kay mama. Di na rin ako nagulat dahil di Naapektuhan si Haley at gayundin si Rosarius kung nandito man siya. Nalaman ko na din kung paano gawing compatible ang boses ko sa mga tenga nila kaya di sila naapektuhan. Napanaginipan ko kasi ang bagay na yun at ginawa ko sa kanila gamit ang kapangyarihan ko.

"Magingat ka nga! Wala ang mama mo dito! Umalis, sorry daw dahil di siya nakapagpaalam sayo, biglaan daw kasi. Nasa Airport na daw pala. Papuntang Singapore" sabat ni Haley

Lagi namang ganyan si Mama, kung saan saan pumupunta. Sasabihin pa niya sakin na Importante yun eh magvavacation lang yun dun. Madugas ._.

Pumunta ako sa kusina at tinignan kung sino ang nagluluto.

Totoo ba 'to? HAHAHA. Si Rosarius nagluluto? HAHAHA. Nice naman, may kasanayan na rin yata itong magluto. Ang bango kasi ng niluluto niya HAHAHA.

"Saan ka galing kagabi?" Tanong ko sa kanya gamit ang Notepad ko

"Bumili lang ako ng kakainin natin ngayon. Salamat nga pala ulit at pinatira mo muna kami dito aah! Malaki ang utang na loob ko sayo" pagsasalamat niya sa akin

"Ahh. Ok lang yun lalo na wala dito si mama, mas may privacy tayo sa mga gagawin natin" pagngiti ko sa kanya at sulat ko sa aking Notepad

"Tapos na nga pala ako magluto. Saan nakalagay yung mga plato?" Tanong niya

"Sige ako na maghahain. Pawis na pawis ka na dahil sa init HAHA. Umupo ka nalang doon at ako na diyan" sulat ko sa notepad ko

A/N: Para di ako mahirapan, gagawin ko nalang na Italic ang sinasabi ni Tristan kapag nagsalita talaga siya. Diba hindi siya nakakapagsalita? So sa notepad siya nagsasabi ng gusto niyang sabihin. Normal lang na phrase ang gagamitin ko pag nagsulat siya. Kaya Italic nalang bes pag nagsalita siya. Back to story...

"Ayan! Ayos na!" Sabi ko

Kumain na kami. Nagkwentuhan kami habang kumakain about sa buhay namin. Kung anong role namin sa mundong ito. Siyempre nandun na din ang Family namin sa kwentuhan, mga ayaw namin sa buhay at mga gusto rin namin.

"Oo nga pala. I think we should create a plan na. Di ko rin alam kung kelan susugod ang mga yan" sabi ni rosarius

"Bakit nga pala tayo ang target nila?" Tanong ko

"Hindi ko rin alam. Kung malalaman ko lang, sana napoprotektahan na natin yun para di nila magalaw o makuha" sagot sakin ni rosarius

"Kung di makakasagabal sa inyo. Bakit hindi tayo magkaroon ng Observation diba?" Dagdag ko

"Pwede naman. Pero lumabas muna tayo at gusto kong pumasyal sa labas" sabi ni Haley

Lumabas kaming tatlo. Kumain, naglibot, at nagplano ng mga gagawin sa mga kalaban. Para ba akong superhero? Hahaha.

*everything Stopped

Alam ko na mangyayari nanaman to. Kinakausap ko lang silang dalawa at hindi ko inaasahang hindi gumagalaw sila Rosarius at Haley. Bakit kasama sila sa mga taong inosente? Dapat gumagalaw sila dito ah?

*a giant unknown monster appeared

Nabigla ako sa aking nakikita. Di ko alam ang gagawin ko dahil wala akong dalang armas at pang atake. Gusto kong lapitan sila Haley pero hindi ko magagawa yun ngayon, di ko talaga maintindihan ang mga nangyayari.

Biglang dumating ang babaeng naka killer coat na papunta sa akin. Gusto ko nang tumakbo pero baliwala kung gagawin ko. Wala na akong magawa kundi lumuhod at mawalan ng pag-asa. Di ko kakayanin ang babaeng yun at ang malaking higante na umatake sa amin.

Tumitig siya sa akin. Ako naman ay nanginginig sa takot habang nakatitig sa kanya. Ang pakiramdam ko ay kada direction ng kinaroroonan ko ay may taong papatay sa akin at ayun ang dahilan kaya nagsisitayuan ang mga balahibo ko.

Napaluha nalang ako. Nawawalan ng pag-asa, di na alam ang gagawin, baka mamamatay na ngayon, kailan niya ako aatakihin, may balak ba siyang patayin ako.

Hinila niya ang damit ko. Papalapit sa mukha niyang punong puno ng pait, ngayon lang ako nakakita ng ganitong babae. Nagulat nalang ako nang...

*a kiss from her unknown feelings

Ibinagsak niya ako agad sa sahig at iniwan ng mabilis. Kasing bilis ng Internet ng NASA ang pagkawala niya.

*the unknown giant attacked using his long Sword

Dahil sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko naiwasan ang atake at natamaan ako sa tagiliran. Malaki ang natamo kong sugat. Dumudugo ito ng mabilis at unting unting nawawalan ng malay.

"Suffering from strange things. Im not sure about her but I know I met her recently at the day where the another school was burned. Haley and Rosarius, where are you? I can't find your true existence. Nothing's gonna happen bad, right? I can't just... "

-Next Chapter
(It is for you to find out!)

The Unvoiced LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon