TUL Chapter 4: Another Goal of Rankings

7 0 1
                                    

"Goodmorning!" Bati ng kapatid kong si Cristine

Umaga na pala. Ang bilis, kakatulog ko palang ehh T.T
So ano pa bang magagawa ko? Edi babangon na ako, maliligo, magbibihis, kakain tapos papasok na sa school as always kong ginagawa.

Habang naglalakad ako papuntang school, nakasalubong ko sina Haley. Sabay na din kaming pumasok para masaya. Nang makapasok na kami, pumunta muna ako sa locker ko, dederetso na rin ako sa classroom.

Bakit parang masyado namang ordinaryo tong araw na to? Walang nangyayari HAHAHAHA. Nang dumating na ang break namin, inaya ako nila Haley na sumama sa kanila. Palagi naman kaming magkasama, bakit pa siya nag-aaya diba?

Nagdala na ako ng Pera para may mabili ako sa Cafeteria namin. Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria, hindi ko inaasahang maraming tao. Siksikan at para bang hindi na gumagalaw ang mga pila. Nang huminto ako sa paglalakad, bigla akong hinila ni Haley. Hindi na sa Cafeteria ang punta namin.

Dinatnan ko ang isang 1-A na Classroom. Pumasok kami doon at hindi ko alam kung bakit. Maraming estudyanteng kumakain sa classroom na iyon, alam ko bawal kumain sa loob ng classroom kaya nagtaka ako kung bakit may kumakain.

Nagsimula nang magsulat ang babaeng mahaba ang buhok at nakasalamin. Nagpakilala siya, siya daw ang President ng Grupong ito.

*Gun Shot

Nagulat ako nang ako pala ang pinutukan ng baril. Naiwasan ko naman ito kaagad pero as in nagulat ako. Lahat ng estudyanteng nandoon, nakatingin sa akin na parang sinasabi nila na magkalaban kami.

"Haley, nasaan ako?" Tanong ko rito

Hindi kumibo si Haley. Nakatingin siya ng masama sa babaeng nakasalamin.

"At sino ka naman? Sino ang nagpasok sayo dito? By the way, magaling ka umiwas sa baril ahh HAHAHAHA" Tawa sa akin ng babaeng nakasalamin

"Baliw ka na ba!?! Siya yung kinekwento ko sayo! Paano kung hindi niya naiwasan yon?!? Di ka talaga nag-iisip. NAKAKAINIS!" Sigaw ni Haley sa babaeng nakasalamin

Biglang pumasok ang isang babaeng naka-cap. Di ko makita ang mata niya kaya di ko siya pinansin. Pumunta siya sa harapan at sumigaw ng

"ATTENTION!"

Lahat ng mga estudyanteng nandoon ay biglang tumayo nang tuwid na tuwid. Grabe yata ang disiplina na hinihingi dito. Pagkatalikod ko, nakatayo din ng tuwid si Haley. Ako lang yata ang hindi nakaayos dito kaya nahalata ako ng babaeng naka-cap. Nang makita ako nito, nagulat siya at parang hindi makakilos na para bang nahihiya. Nang pagkatanggal niya ng Cap, si... si...

"LIZ!?!" Sigaw ko rito

Nagulat din siya. Napayuko siya at tumakbo siya papalabas ng classroom. Lahat ng estudyanteng nandoon, nakita kong bumalik na sa dating pwesto nila kanina. Nakatingin si Haley sa akin ng masama, bakit?

"May problema ka ba sa kanya? Bakit parang mayroong nangyaring masama sa kanya na ikaw ang gumawa?" Tanong ni Haley sa akin

"Hindi ko alam. Wala akong ginagawa ng masama sa kanya" sagot ko rito

"Paanong wala, eh sinigawan mo siya na parang gulat na gulat ka" singit ng isang estudyanteng katabi ni Haley

"Pasensya na" pagpapaumanhin ko dito at sa lahat ng nasa silid na iyon

Bumalik na kami ni Haley sa classroom namin at nagsimula ulit ng panibagong klase, habang patagal nang patagal napaisip ako. Hindi ba narinig ng mga tao sa labas o mga teachers yung putok ng Baril? Bakit parang wala lang nangyari?

Tumunog na ang bell kaya inayos ko na ang dapat kong iayos, malinis naman ako pagdating sa paglalagay ng libro sa bag ko na hindi katulad ng iba diyan HAHAHA.

Nang makalabas na ako ng Campus, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, hindi ko inaasahang uulan ngayon dahil ang sabi naman sa Weather Forecast ay hindi naman uulan. Wala pa naman akong payong na dala.

Sumilong muna ako sa isang Waiting Shed. Napakalakas talaga ng ulan na ito, sa sobrang lakas ay parang walang pakinabang ang pagsilong dito sa Waiting Shed. Nang may humintong Jeep, marami na ang sumakay. Ako naman ay hihintaying humupa ang ulan na ito.

Apat nalang kaming tao sa Waiting shed kaya hindi na masyadong siksikan. Maliit lang ang waiting shed kaya siksikan kanina.

Nang may dumating na ulit na Jeep, sumakay ang dalawa, kaya may isa nalang na natitira. Nakatalikod ito sa akin kaya, I poke her at nagtanong kung saan siya umuuwi. Humarap siya sa akin at hindi ko inaasahang si Liz pala ito. Nagulat ako pero ang awkward ng hangin.

"Nasilong lang ako dito at hinihintay na humupa ang ulan. May reklamo ka?" Sabi nito

"Ahh, wala wala Heheh" sagot ko rito

Umupo ako sa upuan ng Shed dahil nangangalay na din ako sa kakatayo. Ang tagal humupa ng ulan kaya naisipan din ni Liz na umupo.

"Hindi mo ako nirespeto kanina! Ano bang ugali ang mayroon ka?!?" tanong nito

"Sino ka ba para respetuhin ko?" sambit ko dito

"Ako ang pinakamataas na Rank sa Class na sinalihan mo, kaya kung gusto mong huwag akong respetuhin, patunayan mo munang karapat dapat kang magkaroon ng mataas na ranggo" sagot nito

Habang nakaupo kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko, nagulat ako pero di ko naman inalis. May pagka-abnormal din itong babaeng ito no? Hinigpitan niya ang hawak

"Kapalit nalang ito sa nangyari kanina" sabay ngiti nito sa akin

Napakalamig ng kamay niya, yung aakalain mong naninigas na siya sa sobrang lamig. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at doon ko naramdaman na mainit siya. Mataas ang lagnat kaya isinugod ko muna sa Hospital.

Nang makapunta kami sa Hospital, biglang may lumapit na Doktora.

"Anong nangyari sa anak ko?!?" tanong nito

Ahh, doktora pala nanay niya. Sinabi ko naman ang nangyari kaya nagpasalamat nalang ito sa akin. Humingi din ito ng pahintulot na bantayan muna si Liz sa Ward.

Tinanggap ko naman ang pahintulot niya

"Salamat ha? Buti nalang ikaw naging Boyfriend niya" sabay ngiti nito sa akin

"Boyfriend po?" Tanong ko rito

"Ikaw ba si Tristan?" Tanong nito

"Opo" sabay ngiti ko

"Ikaw nga yung kinekwento ng anak ko HAHAHA. Bakit? Hindi ba kayo?"

Hindi ko alam ang sasagutin ko dahil baka may plano si Liz. Kaya sabi ko nalang is "Kami po HAHAH"

Ngumiti naman ang doktora at lumabas na ng kwarto, nakita kong gising pala si Liz at namumula ito. Tinawanan ko nalang at nahihiya pa siya sa akin ng kaunti.

Ano pa ba ang balak mo Liz?

-Next Chapter
(A promise meant to be granted)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unvoiced LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon