Prologue

247 7 3
                                    









Ito po ay isang kathang-isip lamang.
It is base only in my silly imaginations. So meron pong mga kakaiba sa storya na ito. Ang mga impossible ay possible po dito.
So enjoy the story . Sit back, relax and read. Hope you like my story.

Don't forget to Vote, Share and Comment if you want me to continue!! :)
Thanks.. :D

~Invinsible_InYourEyes






Sisters Quest
Prologue

May mag-asawa na nagngangalang Rico Lopez at Angela Lopez na nakatira sa napakalaking mansion. Matatawag itong palasyo ng ibang nakatira malapit sa kanila. Mayroon silang mga katulong at guardya sa kanila ngunit kukunti lang ang mga ito. Mabait,matulungin,mapagmahal,maalalahanin at marami pang mabubuting pag-uugali meron ang mag-asawa. At dahil narin dito,madaming naiinggit sa kanila.

Napapabalita rin na mayroong makapangyarihan at mahalagang bagay ang mag-asawa. Kumalat ang balitang ito,ngunit hindi naman sila nababahala rito.


Hanggang sa isang araw, pinasok ng isang di kilalang matandang lalaki ang mansion. Hinahanap ang mahalagang bagay ng mag-asawa ngunit hindi nila sinabi iyon.

"Ibigay nyo sa'kin ang makapangyarihan at mahalagang bagay na nasa inyo!!!", pasigaw ng matanda.

"Wala kaming ganoong kapangyarihan. Kung meron man, matagal na namin itong ginamit at pinakita. Pero wala.", mahinahong sagot ni Rico.

"Hindi ako naniniwala!!", lalong lumakas at galit na sigaw ng matanda.

Hanggang sa may narinig silang mga iyak ng mga bata mula sa malapit na kwarto. Nagulat ang matandang lalaki,hindi nya alam na may anak na pala ang mag-asawa. Kinabahan naman sila Rico at Angela. Hindi nila pinaalam na may anak na sila at kambal pa , kasi baka pag may makaalam, baka pagtangkaang nakawin ang dalawa nilang anak para lang makuha ang mahalaga at makapangyarihang bagay na meron sila.

"May anak na pala kayo.", biglang nakakatakot na ngiti ang gumuhit sa labi ng matanda. "Kukunin ko sila kapalit ng kapangyarihan nyo! Hahahah!!", dagdag pa nya.

Akmang kukunin ng matanda ang kambal ng hinarangan sya ng mga guardya.

Habang nakikipaglaban ang mga guardya sa matanda,tinago ng mag-asawa kasama ang dalawa nilang katulong ang kambal sa ground floor ng mansion. Dala-dala rin nila ang mga gamit ng mga sanggol.

Dahil malakas ang pwersa ng mga guardya,ginamitan na ng matanda ng kanyang kapangyarihan ang mga ito. Napalipad at napabagsak ng matanda ang lahat ng guardya na nandun. Hinanap nya agad ang mag-asawa,pati narin ang mga anak nito.

-------------------------------------

Sa Ground floor

"Kailangan na tayong umalis dito.", biglang sabi ni Rico.

"San tayo pupunta!?", tanong ni Angela.

"Hindi ko alam, basta pupunta tayo kung saan malayo dito at doon sa makakasiguradong ligtas ang mga anak natin.", sagot nalang ni Rico.

Binalingan ni Rico ang dalawang katulong.

"Pumasok na kayo sa mga portal na ito." Binuksan ni Rico ang dalalawang portal sa di kalayuan. Pero bago yun, nilagyan nya ng pangalan ang mga bracelet na suot ng dalawang anak. Nakalagay dun sa isa 'Angeline Coleen Lopez' at sa isa naman 'Andrea Sophia Lopez' .


"Teka ba't po dalawa yung portal?", takang tanong ni Nancy -- isa sa mga katulong--.

"Oo nga ! Bakit?", tanong namn ni Angela.


"Hanggang maaari, kailangan hindi muna magkasama ang mga anak natin para hindi madaling mahanap. Sa tamang panahon,magkakasama rin sila ,tayo.. Pero sa ngayon,Mary at Nancy, bantayan nyong maigi ang mga anak namin.", sagot naman at paliwanag ni Rico.


"Hindi po ba kayo sasama..?", tanong ni Mary.


"Sasama kami pero magkakahiwalay kami ni Angela. Tig isa-isa kami ng anak. Alam ko mahirap pero kaila-- arghh!!!", napasigaw bigla si Rico. Nasa likod na nya pala ang matanda at may tunusok ito dahilan para matumba si Rico.


"Bilisan nyo!! Tumakbo na kayo. Pumasok na kayo dun.. Ingatan nyo ang mga anak namin. Ingatan nyo sila. Mahalin nyo sila.", maiyak-iyak na bilin ni Angela sa kanila.

"Paano po kayo!?", sabay na tanong nila Mary at Nancy.

"Wag na kayong mag-alala sa'kin. Hindi ko iiwan si Rico. Pumasok na kayo. Ang importante, ligtas kayo. Ako nang bahala rito.Susunod kami.", maiyak-iyak paring sabi ni Angela.

Habang tumatakbo papasok ang mga katulong , susundan sana ng matanda ang mga ito. Ngunit hinarangan sya ni Angela. Subalit may nilagay ang matanda sa leeg ni Angela kaya napabagsak ito.
Nakita naman ni Angela na nakapasok na ang mga katulong at huli na ang matanda.

"Argghhh!!! Hahanapin ko kayo!!", galit na sigaw ng matanda.
Napangiti nalang si Angela sa nakita at narinig, hanggang sa tuluyan na syang napapikit..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ito po ay isang kathang-isip lamang.
It is base only in my silly imaginations. So meron pong mga kakaiba sa storya na ito. Ang mga impossible ay possible po dito.
So enjoy the story . Sit back, relax and read. Hope you like my story.

Short Update...
Yan na po ang prologue..
Hope You like it.. :D
Don't forget to VOTE, COMMENT, SHARE and BE A FAN!!! xDDD

~Invinsible_InYourEyes

Sisters Quest [ JulNiel and KathQuen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon