Chapter 5

98 6 2
                                    

Sisters' Quest

Chapter 5

Nahimatay

<Angie's POV>

Tumatakbo ako ngayon habang umiiyak.

Lahat nakatingin sa'kin.

Para na nga akong ewan at baliw dito eh.

Naririnig ko na naman ang mga bulungan ng mga estudyante pero hindi ko masyadong maintidihan, para nalang silang mga bubuyog sa pandinig ko.

Hanggang sa napahinto nalang ako at biglang blackout.

Wala na'kong alam sa nagyari.

------

*SLAAAPP*

Sinampal ako ni Andie.

"Stay away from Keith, will you??!!" galit na sigaw nya. Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil sa sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kasi hindi naman ako nasasaktan. Tinanong ko na nga ito sa mama ko at sabi nya pagsuot ko ang bracelet na'to hindi ako masasaktan, pero bakit ako nasasaktan ngayon sa sampal ni Andie??

"At bakit ko naman gagawin yun?" matapang kong sagot sa kanya.

At parang nagulat pa sya sa sinabi ko.

"Uh! And why not??? You're just a new girl dito sa Glam University and you're so FC kay Keith. And you're soooo nakakairita!! Uuuggghhh!!" sigaw nya ulit.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw!!! And ang conyo mo masyado.. Ikaw ang nakakairita. Ang arte mo!!!"

"What did you say???" sigaw nya at lumapit sa'kin at sinambunutan ako.

At ngayon nagsasambunutan na kami.

Bigla namang dumating sila Keith at James. Hinawakan ako ni Keith at inilayo kay Andie. Si James naman ang may hawak ngayon kay Andie.

"Ano bang nangyayare?? Gumising ka na Angie." sabi naman ni Keith. Ha? Anong gumising pinagsasabi nito...??

"Angie gumising ka na!"

"Angie"

"Angie"

-------------

"Oh! Angie. Gising ka na." si James. Panaginip lang pala. Anong panaginip yun? Parang totoo.

"Si Keith?" yan ang unang lumabas sa bibig ko. At tumingin sa kabilang side. Nandito ako sa clinic.

"Wala sya. May kinausap lang saglit." sagot naman ni James.

"Thank God. You're okay na." sabi ng tao sa likod ni James, si Andie. Andun din sila Lily, Stephen at Mailey pero wala si Keith.

Napatingin ako kay Andie. Naalala ko yung sinabi ni Mailey sa'kin. Nagiinit ang ulo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sagot sa kanya.

Para namang nagulat sya. Wow ah. -__-

"Anong ibig mong sabihin Angie? Kaibigan mo si Andie. Syempre nag-alala sya sa'yo." si James ang nagsalita.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko James. Ano bang nangyare sa'kin at bakit ako napunta dito?" cold kong sabi.

"Nahimatay ka sa court." Tipid na sagot ni James. Nakayuko pa sya. Hard ko yata kanina. Bad mood lang talaga ako ngayon.

Sisters Quest [ JulNiel and KathQuen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon