*ALLY POV*
*yawn* "natapos na din ang klase" naghihikab kong sabi, grabe naman kasi yung professor namin ang tindi mag discuss kakaboring
"Sinabi mo pa ally, muntik na nga ako makatulog eh," nagretouch pa si Grace ng sabihin niya sa akin iyon, bestfriend ko pala siya yan lang yung friend ko dito sa St. Aria yung iba kasi nakikipagkaibigan lang just to have an information to pretty boys, yung iba sinasabihan ka naman ng masama pag nakatalikod ka, kaya hindi na ulit ako nakipagkaibigan sa iba
"maganda ka ui!! basag na yang salamin oh" natatawang sabi ko sa kanya, hindi kasi magkandatuto sa pag aayos, may date kasi sila ng boyfriend niya
Swerte nga naman!! hahaha
pagkatapos niyang mag ayos at magpaganda pumunta na din kami ng canteen
At gaya nga ng sinabi ko madami na namang babaeng masama ang tingin sa akin at nagbubulong bulungan.
Sanay na ako kaya hindi ko nalang pinapansin,
Nandun pala ang banda ng bayan.
iniwas ko nalang ang tingin ko dahil..
"Ally!!" sigaw ni Drake at tumayo pa talaga sa pagkakaupo
at etong bestfriend ko kinikilig na naman sa likod ko, nandun kasi ang crush niya si Wayne haha
at naramdaman ko na naman ang mga tinging sobrang sama,
pero si Lorraine baki parang ang lungkot niya?
"yes?" tanong ko nalang
"dito nalang kayo kumain ng kaibigan mo" nakangiti niyang sabi, hay naku umaandar na naman siguro ang pagiging babaero nito lalo na at maganda ang kasama ko
i rolled my eyes and then looked at them
"No thanks, madami pang upuan na bakante"
"bestfriend naman ayun na yung chance ko na mapalapit kay crush ko" nagtatampong sabi ni Grace sa akin
"gusto ko lang ipaalala sayo Grace,may boyfriend ka na wag ng maglandi okay!! " inis na sabi ko kakabadtrip kasi tong Drake na to umiiwas na nga ako sa gulo e,
Sigurado madami na namang fans nila ang aabangan ako pag uwi, well okay lang di ko sila uurungan!!
----
Pagkatapos namin magmerienda ni Grace ay pumunta na din kami sa next last class namin, at kamalas malasan nga naman di lang sa canteen namin makikita ang 143 Generation pati na din sa Physics subject na toh!!
Umupo kami ni Grace sa bandang dulo dahil yun ang favorite spot namin dalawa, yung 143 Generation dun din sila sa dulo pero sa may kabilang side nga lang
dumating na din yung professor namin and lucky^_____^
wala daw klase dahil may meeting sila
tuwang tuwa din ang bestfriend ko pano-____- mas marami yung time niyang magpaganda para sa date nila ng boyfriend niya,
"Ano ba ang nakita mo dyan sa boyfriend mong yan" inis na sabi ko
"gwapo atska sweet," kinikilig pang sabi nito
"playboy naman" bulong ko
"narinig ko yun, ano ka ba naman Ally, he change now!! sabi niya ako lang daw ang mahal niya" nakangiting sabi nito sa kanya,
iba nga naman talaga pag inlove, buti nalang at hindi pa ako naiinlove dahil ayaw kong maranasan yung tipong mainlove ka tapos in the end sasaktan ka din nila and worst iiwan ka
BINABASA MO ANG
Pretty Boys Next Door - Ongoing Series
Fiksi RemajaPretty Boys Next Door, apat na naggwapuhang lalaki na iba iba ang personality ay magigig kapitbahay ko? Minsan naiinis ako sa kanila nagulo kasi ang tahimik kong buhay ng dahil sa kanila. Pero mas lumala ata nung pinakilala niya ako na girlfriend ni...