Epology

4 0 0
                                    

"Yes" sabi ko sa kanya

Kumunot naman ang nuo nya sabay titig sakin

"Yes? " takang tanong nya

Tumango tango ako habang nakangiti sa kanya. Lalo namang kumunot ang nuo nya sa sagot ko

"Its a YES " sabi ko sabay halik sa knyang pisngi

Nang tignan ko sya ulit nanlaki ang mata nya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko

"Yes? Sinasagot muna ako ?t-tayo na? Nagkandautal utal nyang tanong habang nakatingin sa akin

Tumango ulit ako at ngumiti sa kanya at biglang nanlaki ang mata ko nga hilain nya ang batok ko sabay siil ng halik sa akin

Nung una nabigla pa ako pero nang maramdaman kung gumalaw ang labi nya sumbay narin ako sabay pikit ng mga mata ko .. Nag tagal ng isang minuto ang halik ng magkusa na syang bitawan ang labi ko . tinitigan nya ako sabay ngiti ng malaki

"Salamat" sabi nya sabay kabig sakin at yakap ng mahigpit

March 27 2016 nang official na naging kami 😍😍
March 26 2017 nang masaktan ako 😭😭😭

Maraming nangyari masasayang nangyari mga pagsubok na dumaan sa isang relasyon pero mas naging matimbang ang pagmamahal namin sa isat isa ..

Akala ko kami na binigay ko lahat wala akong tinira sa sarili ko.

Kinalaban ko lahat

Tinalikuran

Pero sa huli ako din pala ang magiging luhaan

1st year anniversary i was so worried dahil nga araw ng unang taon namin pero kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya.
Kaya nag desisyon akong pumunta sa condo nya hindi naman ako nag aalalang hindi makapasok dahil may ibinigay syang susi sa akin at madalas narin ako dito .

Nang makarating sa harap ng condo nya hindi na ako nag abala pang magdoorbell.
What the use of the key? that he give kung hindi ko gagamitin.

Dala ang cake ay dahan dahan kung binuksan ang condo nya bago pa ako humakbang papasuk binuksan ko na ang cake at isinarado ulit ang pintuan.

Walang tunog na humakbang patungong kwarto nya upang surpresahin sya pero pagbukas ko ng pintu ng kwarto nya akala ko sya ang masusurpresa ko pero ako ang nasurpresa dahil nakaupo sya sa gilid ang kama nya sapo ang ulo.

walang kahit anong damit. Tanging nakatakip sa hubad nyang katawan ang puting kumot habang nakahiga naman sa isang gilid si tricia hes Ex girlfriend tulad nya hubad din ito at tanging kumot lang ang nagsisilbing takip sa katawan nito.

Kasabay ng ng pag agus ng luha saking mata ay ang pagkahulog ng cake na syang dahilan upang mag angat sya ng tingin ..

"H-heart " gulat nitong sabi sabay dampot ng boxer nito malapit lang sa kanya pero agad na akong tumakbo. Narinig ko pang tinawag nya ako pasarado na ang elevetor ng makita ko syang lumabas ng condo nya tanging suot ay ang boxer nito. Tumakbo sya palapit sa elevetor ng makita nya ako ang sakay nito. Umiling iling akong nakatingin sa knya hilam ang luha ng makababa na ang elevetor na sinasakyan ko agad akong tumakbo palabas narinig ko pang tumunog ang katabing elevetor sabay tawag nya sakin pero lalo kung binilisan ang takbu ko hanggan sa nakapasok ako sa sasakyan ko nakita ko syang tumatakbo palapit sa kotse ko. Tangin boxer parin ang suot.

Taranta kung hinagilap ang susi ng kotse sa loob ng bag ko ng marinig kung pilt niyang binubuksan ang pintuan ng sasakyan ko at katok ng katok sa bintana ng kotse . thank dahil s apagmamadali ko kanina hindi ko pa pala na i lock ang pintuan kaya nakapasok agad ako kahit walang susi ..

Ng makita ko ang susi agad kung binuhay ang kotse at walang lingon lingon na pinatakbo ito

Paalis

Palayo

Sa taong inakala kung mahal ako .








-lyn

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon