CHAPTER FIVE
KANINA pa nila hinihintay ang may-ari ng kompanyang nahack daw niya. Kanina pa rin aandap-andap ang paningin niya dahil sa antok. Naka-upo siya sa isa sa mga silya doon at nakayukyok. Alam niyang kaduda-duda talaga ang hitsura niya at mapagkakamalan talaga siyang isang snatcher.
Paano ba naman hindi naman siya hinayaang magbihis ng mga ito. Nakakawalang gana naman ang haharapin niya. Sana himatayin ang may-ari ng kompanyang nahack niya, kasalanan ba niya kung tatanga-tanga sila?
“Nariyan na si Atty. Lucas.” Narinig niyang sabi ng isang pulis doon na abala sa pagbabasa ng tabloid.
At sino naman itong Lucas-Lucas na ito? As an answer to her question a well-built man in gray stripped suit came into her view. Kung normal na babae siguro siya malamang hinarass na niya ang lalaking kaharap.
Ang gwapo kasi nito, para bang isang model na lumabas mula sa magazine. Napakurap pa siya ng ilang beses and suddenly Eugene's image came into her mind blocking the image of this handsom guy infront of her. Kaasar! Oo na gwapo din iyon at sa paningin niya mas gwapo pa rin si Eugene. Nabubulagan na nga yata siya sa isang iyon.
“Are you Miss Martinez?” tanong nito gamit ang matigas na boses, tsk... ayaw talaga niya ng suplado. Mukhang suplado ang mamang ito.
“Malamang may iba pa bang babae na nasa presintong ito? Baka siya si Miss Martinez.” Masungit na angil niya.
“Ikaw nga. I am Atty. Rechmond Lucas.” Inilahad nito ang palad nito pero hindi niya iyon pinansin. Kaya binawi nalang nito.
“Whatever.” she said rolling her eyes.
“I am here to propose a deal Miss Martinez.”
“What deal?” Wala sa mood na tanong niya habang hinahati sa dalawa ang split ends sa kanyang buhok. Gusto sana niyang inisin ito kaya lang mukhang wala naman itong pakialam.
“We traced your laptop's IP address na pumasok sa main frame server ng IT department ng client ko.”
“Wait lang ha. Kailan ko ba kamo pinasok ang server niyo?”
“Three months ago.”
“Three months ago? Alin doon?” napakamot siya ng ulo. “At saka huwag niyo nga akong pinagloloko kung gusto niyo ng pera wala ako noon kaya wala kayong mahihita sa akin.”
“We have your laptop at hand Miss Martinez that serves as our evidence to sue you. And when I said sue you mabibilanggo ka. Malaking kompanya ang binangga mo dito.” Tinaasan niya ito ng kilay. Halata kasing nananakot ito and infairness it is working. She have a decent job at sa gobyerno pa naman siya nagtatrabaho tapos makukulong siya? Itatakwil siya ng kanyang mga magulang at mawawalan siya ng trabaho.
BINABASA MO ANG
Royale Series 6: JUST THE WAY YOU ARE (COMPLETED)
RomanceTEASER: SHE hates him! Reasons? Wala lang hindi lang niya talaga ito trip. HE hates her! To the core!!! Reasons? Sino bang hindi magagalit kung ang bawat pagkikita nila ay napipingasan ang kagwapuhan niya. SHE promised herself to stay away from HIM...