EXTRA #1: Kiss and Make-up
“GYPSY!” Tawag ni Eugene sa kanya but she refused to stop, galit siya dito. Galit siya sa ginawa nito sa kanya! For God sake kung may nakakita sa kanila kanina baka ano nalang ang isipin ng mga ito. Na isa siyang mababang babae at --- grrrrr! Ang sarap sumigaw kaso ayaw niya baka kasi magtaka ang kanyang mga magulang.
“Anak anong nangyari sa iyo?” takang tanong ng daddy niya ng mabungaran siya nito. May hawak-hawak pa itong lumpia at papalit-palit ang tingin sa kanya at kay Eugene. Hindi niya sinagot ang daddy niya at basta nalang pumasok sa loob ng kanyang silid.
Nasa rancho sila ng mga oras na iyon right after his proposal to her ay sinabi nitong gusto nitong bisitahin ang lugar kung saan sila nagsama. Pumayag naman siya because she also missed the place and everything went smoothly not until this morning.
Flashback…
“Saan ka pupunta?” takang tanong ni Eugene ng marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kanyan silid. It is still four thirty in the morning at maaga siyang nagising kasi naghahanap ang katawan niya ng exercise. At hindi sila magkasama sa isang kwarto right after siyang mapikot nito ay hindi na sila muli pang gumawa ng kababalaghan.
“Maglalakad-lakad lang.”
“Sama ako.”
“Matulog ka muna Eugene.”
“Delikado sa labas.” Inikutan lang niya ito ng mga mata.
“Dito na ako lumaki at nagkaisip kaya alam kong safe ang lugar na ito.” Sumimangot ito and based from that look alam niyang hindi ito papaya na hindi masunod ang gusto nito. “Fine, I am giving you five minutes to ready. Nasa ibaba lang ako.”
“Thanks.” At mabilis pa sa ala una itong nakaayos, he is wearing a jogging pants clinging sexily on his hips and a tight fitted white shirt showing those abs. Iniwas niya ang mga mata dahil feeling niya ay nag-iinit ang kanyang buong katawan. How can he be so sexy in those simple clothing?
“Lets go.” At ito pa ang nauna. Hindi na siya nagpaalam sa kanyang mga magulang at naglakad-lakad muna. Malamig pa ang panahon kaya hindi nakakapagtatakang manginig ang katawan niya sa lamig. Wala pa kayang araw at saka kapag sa probinsya maraming puno kaya hindi nakakapagtataka kung ganito man kalamig ang panahon. Kahit nga na maligo ay taghirap sa sobrang lamig sanayan nalang.
BINABASA MO ANG
Royale Series 6: JUST THE WAY YOU ARE (COMPLETED)
RomanceTEASER: SHE hates him! Reasons? Wala lang hindi lang niya talaga ito trip. HE hates her! To the core!!! Reasons? Sino bang hindi magagalit kung ang bawat pagkikita nila ay napipingasan ang kagwapuhan niya. SHE promised herself to stay away from HIM...