CHAPTER EIGHT

127K 2.2K 69
                                    

CHAPTER EIGHT

One year and six months AFTER…

 

            Sa wakas makakauwi na rin tayo!” sigaw ng mga kasama niya, true kahit papaano ay masaya naman siya dahil nagkaroon sila ng midyear vacation. It has been a year and six months since she became a field veterinarian and she is enjoying every moment of it. Noong una ay ang hirap pero kalaunan naging madali lang ang lahat.

            “Makakapagpa-Spa na rin ako.” Narinig niyang wika ni Agnes ang isa sa mga kasama niya tapos ay sinulyapan siya. “Hindi katulad ng isa diyan hindi naman pumangit at nangitim.” Inalog siya nito. “Hoy Gypsy mamigay ka naman ng kagandahan.”

            Natawa siya sa sinabi nito, her chuckle turned into laugh. Ang baliw lang kasi nito, ang totoo kasi niyan dahil palagi silang naglalakad kaya hindi na siya nagsusuot ng makakapal na damit o kaya naman ay patong-patong na shirts. She can now wear a single shirt or a sleeveless shirt and true kahit anong gawin niya hindi siya nangingitim. Para pa ngang mas lalo siyang nadevelop dahil sa adventures nila.

            “Gaga wala akong ibibigay dahil limited lang din iyan.”

            “Ang daya naman. Excited ka na sigurong umuwi no?’

            She just gave her a small smile, is she excited to go home? Ewan kasi pakiramdam niya wala naman siyang babalikan. Kahit nasa malayo siya ay nagkakausap din sila ni Kissa and last year she received a news that makes her heart shattered into pieces. Alam niyang walang alam si Kissa sa nararamdaman niya sa pinsan nito kaya hindi rin niya masisisi kung sinabi nito sa kanya na he is exclusively dating with Summer.

            She even cracked a joke dahil ang unang babaeng minahal nito ay Autumn Zuriz ang pangalan tapos ang dinedate naman nito ang pangalan ay Summer. She knew Summer and she can’t deny na bagay naman ang dalawa. Autumn is the woman who perfectly matched with him she is pretty, smart and rich and of course she is definitely a catch. Babaeng pwede mong ipakilala sa mga magulang mo. Those characteristics she don’t have.

            “Uwi na tayo.” Untag ni Agnes, she carried her bag and follow her co-workers. She isn’t excited to go home dahil natatakot siyang kahit lumipas pa ang isang taon ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya kay Eugene. She just sigh as they continue their journey home.

Royale Series 6: JUST THE WAY YOU ARE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon