Somebody's POV
"Next..Peach Nicole San Sebastian"
*dugdug dugdug*
Eto na naman yung parati kong nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya...
Bumibilis yung pintig ng puso ko parang magpa-palpitate na. Pakiramdam ko lalabas na nga yung puso ko sa sobrang bilis e. (A/N: Ay! May ganong effect?! :">) Author, wag ka ngang sumingit, kita mong nagmo-moment e! (A/N: Ayy, sorry sorry! ^_^V)
Anw, epal kasi ni author, ituloy na natin ang moment ko..
Pakiramdam ko kaming dalawa lang yung nandito sa auditorium. Hindi ako makagalaw, parang tumitigil yung mundo ko pag nakikita ko siya. Siya lang yung nakikita at napapansin ko. Malamang! E, sa laki niyang yan, nakuha niya talaga yung atensyon ko! (A/N: Ayy ganun?! -_-)
Siya na pala yung susunod na kakanta..
"Seriously? Marunong yan kumanta?"
"I bet, di yan marunong kumanta. Magpapapansin lang yan."
"Akala ko puro kain lang alam niyan e."
"Feeling sexy e ang taba-taba naman! Baka matalo pa glee club sakanya! Ipapanalo na nga ni Lucky tapos kokontrahin niya pa sa pagsali niya!"
Rinig kong bulungan ng mga babaeng nasa unahan ng upuan ko. Nakooo lang talaga!! Pag ako di nakapagtimpi! Isu-sungalngal ko tong mga to! Napakajudgmental! Kung makapanglait akala mo naman magagaling kumanta!! Hiyang-hiya ko sa vocal chords nila e! -____-
Yung mga lalake namang katabi ko, titig na titig pa rin kay Lucky na kakatapos lang sa performance niya. Yung iba naman walang pakialam sa kakantang si Peach.
Habang naglalakad siya papunta ng stage, naka-ngiti lang siya at hindi mo makikitang kinakabahan siya.
...Isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko sakanya... Parang wala siyang pakialam sa kung anong tingin ng ibang tao sakanya. Kahit ano pang sabihin ng iba, di niya yun pinapansin. Go lang siya ng go.
Tsaka parati siyang nakangiti. Minsan nga nagtataka na ko kung di ba nangangalay yung bunganga niya sa pag-ngiti. -____-
Pagdating niya sa stage, pumunta na siya sa may harap ng mic. At inubuhan niya yung mic.. Hindi, joke lang.. Nag *ehem ehem* siya dun kasi mukhang busy ang lahat at hindi naman siya pinapansin nung mga nanunuod.
Nakapagtataka lang ah, sa laki niyang tao, di man lang siya napapansin ng ibang busyng-busy sa pagkwe-kwentuhan tungkol sa mga unang performances. -____-
Hayy, basta ako makikinig ako Peach! Hayaan mo na sila!
At sinunod niya ang utos ko. Diii! Hinayaan niya na lang yung mga tao tutal naman hindi naman sila yung judges e.
Nagsalita na siya sa mic.
"Hi! Ako si Peach, and I'll be singing Beautiful by Christina Aguilera."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA!"
"Seryoso ba siya sa song choice niya?"
"Hahahaha! Hindi bagay!"
Comment nung mga palaka na nasa harapan ko. Onting panlalait na lang talaga nila kay peach papakainin ko na sila ng langaw! -____-
Ngumiti na lang si Peach kahit pinagtatawanan na siya. Nagsimula na siyang kumanta...
Every day is so wonderful
Then suddenly it's hard to breathe.
Now and then I get insecure
From all the pain, I'm so ashamed.