Chappy 11: First Club Meeting!

78 4 3
                                    

Britt's POV

First glee club meeting ngayon. Kasama ko sila Nathan at Peachy papuntang auditorium. Buti na lang talaga at nakapasok din silang dalawa dahil kung hindi, malamang, maa-out of place lang ako dun. 

Wala talaga akong balak sumali sa club na to since alam niyo namang ayaw ko makipag-socialize sa mga schoolmates kong FC na lumalapit lang sakin dahil nga isa akong San Sebastian -_- 

Kung di lang talaga ako napilit ng dalawang pasaway na to, e hindi talaga ako maga-audition. Marunong naman ako kumanta pero ayaw ko lang talaga sumali sa mga club club na yan.

Last year pa nila ko pinipilit sumali, buti na lang nagka-ubo ako nung araw ng audition kaya ayun, di kami natuloy. E ngayong year, di ko naman alam kung anong idadahilan ko sakanila :3

Kaya ayun, nahatak nila ko T3T Tsaka sino ba namang makakatanggi sa puppy face ni Peach at ni Nathan. Kahit mukha silang aso, ang cute cute nila talaga :3

At ngayong araw na nga ang first ever club meeting. Ayaw ko sanang umattend kaso dinaan na naman nila ako sa pagpapa-cute nila :3 

Hayy, kaso..Parang may kulang.. :/

*sigh

"O, anong nangyari sa'yo Britt? Bakit naka-busangot ka na naman diyan? May problema ba?" -Nathan

Kilala talaga ako ni Nathan. Alam niya pag may problema ako..Kaso, hindi pa ba siya nasanay sakin, parati naman akong nakabusangot. Nagtataka nga ko kung paano niya nalalaman kung totoong may problema ako o normal lang na busangot yung mukha ko e. 

"Hay *munch* naku Nathan! *munch* Nami-miss *munch* lang niyan *munch* si C-*munch* Cla-*munch* Claude *munch*" Si Peachy yan na obvious namang kumakain na naman, kaya lalong bumibilog tong kapatid ko e -_-

Mas kilala naman ako nitong kapatid ko. Kung si Nathan, alam niya pag may problema ako, si Peach naman, alam kung ano yung problema ko..Para nga kaming may mental telepathy e, alam niya kung ano yung tumatakbo sa isip ko :)

At tama siya, si Claude nga ang kulang.. Nakakalungkot kasi ayaw niyang sumali, di ko naman mapipilit yun e. Ewan ko ba dun, siguro di lang talaga niya hilig ang pagkanta, mas gusto niya kasi dun sa basketball ee. *sigh

"HOOOOYYY *munch* Na- *munch* Nathan *munch* !!!" Bigla naman akong bumalik sa reyalidad sa sigaw ni Peach. Maka-sigaw naman to with matching talsik pa nung kinakain niya e magkakatabi lang naman kami nila Natha-- Teka!! Nasaan si Nathan?!

Paglingon ko, nauna na yung best friend ko maglakad papunta sa auditorium. "Hala. Anong nangyari dun? Bakit tayo iniwanan?" tanong ko sa kapatid kong busy pa rin sa pag-nguya ng pagkain niya.

"Walaaaaa ate Britt! *munch* Di mo *munch* kasi *munch*siya *munch* pina- *munch* -pansin---" -Peachy

"Pwede ba Peach. Don't talk when your mouth is full, pwede? Di kita maintindihan eh! -_- From the top! " -ako

"Okie okie. Sungit! :P *binigyan ko siya ng isang death glare* Hihi. Peace ^_^V Di mo kasi siya pinapansin kanina. Tinatawag ka niya, kaso busy ka masyado sa pagd-daydream mo kay Claude. Okay lang naman siya. Mukhang di nga siya nasasaktan eh. *insert sarcasm here*" -Peachy

Ha? E okay lang naman pala siya e. Bakit kailangan pa ng walk-out effect?! Hayy, mabuti na lang di pa siya gaano kalayo kaya hinabol ko na lang siya..

"NATHAAAAN!" -sigaw ko. Aba! Meron ata si bestfriend ah, di ako pinapansin :3

Tinawag ko na lang siya ulit. Wala akong pakialam kahit pinagti-tinginan na ko ng mga studyante dito. Wapakels lang -_- 

"NATHHAAAAAAAANNNNN!!!"

Thousand Stories in One SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon