Part 1

117 23 4
                                    


        Sa batas ng ating buhay hindi lahat ng tao makakaintindi sa kalagayan at desisyon mo. Hindi lahat ng gagawin mo ay mapapahalagahan ng ibang tao. Madalas sa mga taong katulad ko ang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon. Madalas kaming napag-iiwanan at tumpulan ng tukso.
        Ako si Miracle, labing tatlong taong gulang. Isang ulila. Nakatira ako sa isang bahay ampunan. Sa murang edad naranasan ko ang hindi kanais nais na karanasan sa aking buhay. Bago pa man ako manirahan sa bahay ampunan dati akong nangungupahan sa Maligaya Street kasama ang mahal kong ina.
        Isa sa mga pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak. Ang isang ina kapag may pera, hindi iniisip kung magkakaroon ba siya ng bagong gamit o alahas. Una sa kanyang listahan ang pangangailangan ng kaniyang anak. Kaya niyang gawin lahat maibigay lang ang pangangailangan ng kaniyang anak.

        Ang aking ina ay isang magandang babae na may napakabusilak na puso at napakaamong mukha. Nagtatrabaho siya tuwing gabi. Pinapakain niya muna ako at pinapatulog bago siya umalis ng bahay. At paggising ko ng umaga makikita kona lamang siya sa kusina nagluluto ng aming umagahan. Masaya kaming namumuhay noon ng aking ina kahit dalawa lang kami. Pagpumapasok ako sa aking paaralan, tampulan ako ng tukso ng mga ibang batang nag-aaral sa aking pinapasukang paaralan. Ang daming masasakit na salita ang mga binabato nila sa akin ngunit hindi ko na lamang sila pinapansin dahil ang tanging gusto ko lamang ay makapag-aral at makapagtapos para maiahon ang aking ina sa hirap ng aming buhay. Naaawa kasi ako sakanya dahil sobrang nangangayayat na siya. Marami akong pangarap para sa amin ng mahal kong ina. Simpleng pangarap lang dahil ang gusto ko lang naman ay tumigil na ang aking ina sa kanyang pagtatrabaho . Pagnakapagtapos ako ng aking pag-aaral, ako na ang bahala sa aming  pang-araw-araw na pangangailangan. Hindi na namin kailangang mangupahan at hindi na kami makukulangan sa pera. Gusto ko ring maipasyal ang aking ina dahil sa bahay at sa kanyang trabaho lang siya nakakapunta. Gusto kong maranasan ng aking ina ang magandang buhay, kaya pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral upang makapagtapos ako at makahanap ng maayos at permanenteng trabaho.
         Ngunit ang simple kong pangarap sa aking ina pagnakatapos ako ng aking pag-aaral ay bigla nalang naglaho dahil sa malagim na pangyayari.
         Kinahapunan pagkauwi ko sa aming bahay, nakita ko ang aking ina na nagluluto ng aming meryenda, pinuntahan ko siya sa kusina at hinalikan sa kaniyang pisngi, nakita ko sakanyang mga mata ang pagod na kaniyang nararamdaman na ayaw ayaw niyang ipakita sa akin dahil ayaw niyang mag-alala ako sa kaniya. Naaawa ako ng sobra sa aking ina at ang tanging iniisip ko lang ng mga oras naiyon ay “Hindi kana mapapagod ng ganyan mahal kong ina, pag ako’y nakapagtapos na ng pag-aaral at nakahanap na ako ng maayos na trabaho”. Nang matapos ng magluto ang aking ina, sabay kaming kumain ng kaniyang nilutong bilo-bilo. Sa pagkakataong iyon nagkakwentuhan kami tungkol sa aking pag-aaral, tinatanong niya ako kung kamusta ako pag nasa paaralan ako, kung mabuti ba ang pakikitungo saakin ng mga ibang batang nag-aaral doon, ngunit ang tanging sinasagot ko lang sa kaniya ay “Opo ina, ayos lang naman po pag-aaral ko. Mababait naman po sila sa akin” hindi ko man gustong magsinungaling sa aking ina, ngunit wala akong magagawa dahil iyon lang ang alam kong paraan para hindi na madagdagan pa ang kaniyang iniisip. Pagkatapos naming magmeryenda niyaya niya ako na matulog muna dahil gabi pa naman siya aalis papunta sa kaniyang trabaho. Pagkahiga namin, sinabi niya sa akin na lagi akong magpapakabait at lagi kong iingatan ang aking sarili. Sinabi niya rin saakin kung paano ako inabandona ng aking sariling ama noong malaman niyang nabuntis niya ang aking ina, pati narin ang pagpapalayas sa kaniya ng kaniyang sariling mga magulang. Mag-isa niya akong tinaguyod at pinalaki sa kabila ng lahat ng kaniyang naranasang hirap. Kinalimutan na niyang umibig ng ibang lalaki matapos ang pag-iwan sa kaniya ng aking ama at sa akin na lamang niya binuhos at itinuon ang lahat ng kaniyang atensiyon. Labis akong minahal ng aking ina kahit na dahil sa akin kaya siya nakaraanas ng sobrang paghihirap. Dahil dito kaya naniniwala ako na iba nga talaga ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak.
        Bumagsak ang luha saaking mga mata. Ang daming pinagdaanan ng aking ina dahil lamang sa akin kaya nong pagkakataong iyon sinabi ko sa sarili ko na hindi ko talaga bibiguin ang aking ina. Magsisikap talaga ako para matulungan at maiahon ko siya sa kahirapan, para matupad ko ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. Ako ang magsisilbing biyaya sa lahat ng kahirapan at kamalasan na kaniyang naranasan at sa ganong pag-iisip ko, tuluyan na akong dinalaw ng antok at nakatulog ng matiwasay.
         Habang ako’y natutulog pa, bumangon na pala ang aking ina upang siya’y makapaghanda na sa kaniyang trabaho. Habang siya ay nagbibihis tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata at sinasabing “pasensya kana anak kung kailangan mong maranasan ang ganitong klase ng buhay, alam kong tampulan ka ng tukso dahil saaking trabaho ngunit eto lamang ang alam kong trabaho na makakapagtustos sa iyong pag-aaral at makakapagpakain saating dalawa” bago siya umalis hinalikan niya ang aking noo.
         Nagising ako gaya ng nakasanayan ngunit lubos kong hindi maunawaan kung bakit wala ang aking ina, pati pagkain sa aming hapagkainan ay wala rin. Maraming pumapasok saaking isip, baka iniwan niya na ako? Baka my nangyaring masama sa aking ina? Mga tanong na hindi ko alam ang kasagutan, naluluha na ang aking mga mata ng biglang my kumatok sa aming pintuan, dali dali ko itong binuksan at sinabing “nay?” ngunit nabigo ako, ang aming kapitbahay ang kumatok sa aming pintuan. Nagulat ako at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi, na ang aking ina ay natagpuang wala ng buhay sa kanto ng aming street. Hinihinalang pinatay at ginahasa siya ng ilang mga lalaki.
        Hindi ako nakapagsalita at bigla nalang natulala, sa pagkakataong iyon gumuho lahat ng aking pangarap, pati narin ang mundong binalak kong buuin kasama ang aking ina ay gumuho din. Lahat ng iyon ay unti-unting nadurog at naging abo hanggang sa tangayin nalang ito ng hangin.
         Tinanggalan nila ng pagkakataong mabuhay ang aking ina. Hindi manlang sila naawa. Ang hayop ng ginawa nila saaking ina, dahil sa kanilang ginawa hindi kona masusuklian ang lahat ng sakripisyo at pagtitiis ng aking ina para lamang sa akin. Puno ng galit ang aking puso ng oras naiyon. Tila nawawalan na ako ng pag-asa para mabuhay pa. Paano na ako ngayong wala na ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin ng lubos.
        Hindi na pinaglamayan ang aking ina dahil ako lang naman daw ang nagmamahal sa kaniya. Binigyan lang ako ng pagkakataon na makita at mayakap siya bago siya ilibing. Ayaw ko mang bitawan ang pagkakayakap ko sa kaniya ngunit wala akong nagawa dahil ililibing na siya, iyak lang ako ng iyak at walang ibang iniisip kundi ang aking ina.
        Naging batang gala ako sa aming street dahil pinalayas na ako ng may-ari ng aming inuupahan noong na bubuhay pa ang aking ina. Nabubuhay ako sa pagkain na galling basurahan. Natutulog sa gilid ng kalsada. At kapag umuulan tanging ang isang plastic bag lang na maliit ang pinapangtakip ko sa aking ulo. Iniiwasan ako ng mga ibang bata dahil anak daw ako ng isang Magdalena. Maraming mga masasakit na salita ang aking natanggap na sobrang nagpapasakit sa aking dibdib, at ito’y laman ng makakasalanan nilang bibig. Sinasabi nila na ang kamatayan ng aking ina ay nararapat lamang para sakaniya, dahil isa naman daw siyang bayarang babae na handang kumayang sa kahit na kaninong lalaking magnais sa kaniya. Dahil sa mga masasakit na salitang lumalabas sa kanilang makasalanang bibig, ay naging dahilan upang sila ay aking masaktan dahil sa kanilang mga kasinungalingan. At kung sakali mang totoo ang kanilang binibintang sa aking ina hindi kagaya ng imaheng kanilang iniisip ang aking ina. Hindi nila alam ang lahat ng pinagdaanan ng aking ina, hindi nila alam ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal saakin ng aking ina, kaya’t wala silang karapatang pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita ang aking ina dahil kung sakali man na totoo talaga na siya ay babaing handang kumayang sa kahit sinong lalaki, ay ginagawa niya lamang iyon dahil saakin. Napaisip at nakaramdam ako ng labis na pagkamuhi sa aking sarili dahil mas pinili pa ng aking ina na kamuhian siya ng ibang mga tao mapakain at mapaaral niya lamang ako. Ngayon malinaw na lahat saakin kung bakit tampulan ako ng tukso sa paaralan na aking pinapasukan. Sobra akong napaiyak sa pagkakataong iyon.
        At dahil nga sa madalas akong napapaaway sa ibang mga bata sa aming street mas pinili nila na ipunta na lamang ako sa bahay ampunan. Pinilit kong hindi sumama sakanila dahil ayaw kong iwan ang lugar kung saan ako lumaki kasama ang aking ina. Ngunit wala akong nagawa. Pagkarating sa bahay ampunan, lahat ng mga bata doon ay nakatingin saakin na tila gustong iparating ay dapat namatay nadin ako gaya ng nangyari saaking ina. Walang nalapit saakin na ibang bata, kung meron man ay nagbibitaw lang din sila saakin ng masasakit na salita.
        Sa ilang araw ko ng pagtira sa bahay ampunan ganon narin katagal ang pagiging mag-isa ko doon. Hindi ko naranasan ang makipaglaro at makihalubilo sa mga ibang batang nasa bahay ampunan din, dahil lagi nilang minamata na para bang ako ang pinakanakapandidiring bata sa bahay ampunan, ngunit naaawa ako sa kanilang lahat dahil alam kong mayroong isang bagay ako na wala sa kanila, iyon ay ang pagmamahal saakin ng lubos ng aking ina. Wala man siya sa aking tabi alam ko namang lagi siyang nasa aking puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagmamahal ng Isang InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon