Emily's POV
St. Mary's Orphanage
Nakatayo lang ako ngayon sa harap ng orphanage pinapanuod ang mga bata na maglaro
"Emily? Anong ginagawa mo dito sa labas?"
Humarap ako sa palikuran ng marinig ang boses ni Kuya Noah
"K-kuya" naiiyak na sambit ko at tumakbo palapit sa kanya at yumakap ng mahigpit sa kanya
Niyakap nya ako pabalik at hinagod ang buhok ko
"Emily whats wrong? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya
Umiling lang ako ng paulit-ulit at umiyak sa balikat dibdib nya
"Bunso sabihin mo kung sino ang nangaway sayo dali at ng bubugbugin ko" seryosong sabi nya
"K-kuya walang problema hindi ba pwedeng namiss ko lang k-kayo" umiiyak oa rin na sabi ko
"Asus kunwari ka pa anung problema" sabi nya at hinigpitan ang yakap sakin
"Wala nga sabi eh" sabi ko at hinampas sya sa dibdib
"Sabi ko nga" sabi nya at napatawa ng mahina
Natawa na rin ako at napangiti
"Ayan dapat ngumingiti ka lang mas lalo kang pumapanget kapag umiiyak eh-aray" sabi nya kaya kinurot ko ang tagiliran nya
"Parang akala mo kung sinong gwapo" sabi ko at inirapan sya
Sasagot pa sana sya ng may sumigaw ng pangalan nya
"Ayun si Kuya Noah nyo oh" sigaw ni Ate Nathalie
Kaya napatingin yung mga bata sa direksyon namin at tumakbo
"Kuya Noah"
"Ate Emily"
Yung iba ay tumakbo kay Kuya Noah at dinambahan sya kaya natumba sya sa damuhan
At ang iba naman ay pinalibutan ako at hinila ang kamay ko yung iba ay kumapit sa binti ko
"Baka matumba tayo" natatawa kong sabi
At ayun tuluyan na nga akong natumba at pinugpog nila ako ng halik sa mukha yung iba ay kiniliti ako at yung iba ay dinaganan ako
Para akong baliw na tumatawa habang kinikiliti nila ako
Isa yun sa kahinaan ko dahil marami ako akong kiliti sa katawan
"Oh mga bansot tama na yan hindi na makahinga kakatawa yang ate emily nyo" sabi ni Kuya Nathan ng makalapit sa amin
"Bunsoooo namish kita" naka-pout na sabi ni Kuya Denver at itinayo ako at niyakap at pinaikot-ikot
"Kuya ibaba mo ko nakakahilo" sabi ko habang natatawa dahil sa kakulitan nya
Ibinaba nya naman ako at hinalikan ako sa ulo
"Namiss kira bunsoy" sabi nya at niyakap uli ako
"Hoy hoy tama na yan nakakarami ka na ha hindi lang ikaw ang Kapatid dito bitaw nga" sabi ni Kuya Nathan
Yayakapin na nya sana ako ng itulak sya ni Ate Nathalie kaya natumba sya sa damuhan
"Baby girl buti nandito ka na namiss ka ni Ate" sabi nya at niyakap ako ng mahigpit
"Oy isa ka pa Nathalie bitawan mo nga sya" sabi ni Kuya Nathan at pilit akong hinihiwalay kay Ate Nathalie
Binelatan lang sya ni Ate Nathalie na nang-aasar na naman
Napahiwalay ako kay Ate Nathalie ng may humila sa akin
"Kuya Sanjo" tili ko at kumapit sa kanya ng parang Koala
Kung si Kuya Denver ay clingy sa akin ay ako naman ay Clingy kay Kuya Sanjo but not in a romantic way
Si Kuya Nathan naman ay seloso kapag may yumayakap sa akin at hindi rin in a romantic way
Si Ate Nathalie naman ay tinuturing akong parang prinsesa nya at mahilig asarin si Kuya Nathan at kambal sila
Si Kuya Denver may pagkaisip bata yan towards sa akin pero kapag nagseryoso yan
Si Kuya Noah basagulero yan at snob sa ibang babae maliban saming mga ka close nya at ayaw akong nakikitang nalulungkot o umiiyak nyan
At si Kuya Sanjo parang sya na ang tumatayong Kuya naming lahat dito sa Orphanage strikto, masungit, nakalatakot Badboy kumbaga pero kapag nasa Orphanage yan para lang syang isang normal na tao at sa amin pang ata mabait yan dahil na kami na kumbaga ang lubos na nakakakilala
Sa kanya"Oh nandito ka na pala at saan ka nanggaling at nakapaa ka pa at bakit ganyan ang porma mo nakipagdate ka ba sino yang kadate mo ipakilala mo ng makilatis ko" sabi nya
Napanguso na lamang ako habang nakasakay na sa likuran nya
Ayan na naman ang pagiging protective nya
"Kuya di ako nakipag date atsaka yung sapatos na suot ko hinubad ko sa traysikel kasi ang sakit na ng paa ko eh hindi ko namalayan na naiwanan ko pala" sabi ko
Napagawi ang tingin ko kay Kuya Noah na nakataas ang isang kilay nya sa akin
Umiwas lamang ako ng tingin at ibinalik ko ang atensyon ko Kay Kuya Sanjo
"Okay fine basta kapag may nagaaya sayo ng date sabihin mo muna sa amin" sabi nya
Tumango ako
"At kapag may nambastos sayo sabihin mo sa amin at reresbakan namin" sabi ni Kuya Nathan at pinatunog pa ang mga kamao nya
"At kapag may malditang babae na umaaway sayo sabihin mo sakin at ako mismo ang sasampal sa mga mukha nila" sabi ni Ate Nathalie
"Kapag may mga problema ka sabihin mo sa amin at ng matulungan ka namin" sabi ni Kuya Noah habang binibigyan ako ng makahulugan na tingin
"At kapag may nanliligaw sayo at magbibigay ng kuna ano-ano wag mong kakainin" sabi ni Kuya Denver
Agad naman syang binatukan ni Ate Nathalie
"Basta pagkain eh noh" inis na sabi ni Ate
Natawa kami ng ngumuso si Kuya Denver
Buking
Sila ang tumatayo kong pamilya sila ang bumuo at binuo namin ang nararanasan naming kakulangan ng pagmamahal galing sa aming pamilya.
They are my family.....
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heiress (EDITED)
Teen FictionEmily Hernandez a simple girl that have a simple life, she is not the type of girl that is popular she's more like the loner type but have a few friends. She is a nerd on their school and sometimes get bullied for being a scholar of the school but...