EDITED
Emily's POV
Kring Kring.....
Napamulat ako ng marinig kong tumunog ang aking Alarm Clock kapa dito kapa doon at nakuha ko na rin yon tiningnan ko kung anong oras na
5:30.....Napabangon agad ako shit male-late na ako
Hinanda ko na ang mga gamit ko para sa school bago ako pumunta sa C.R at ginawa ang morning rituals ko
After a few minutes....
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng Apartment ko
"EHEM"
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Aling Lydia ang landlady nitong Apartment na tinutuluyan ko
"Nasaan ang pang-bayad mo ng upa?" tanong nya sa akin
"Aling Lydia mamaya pa po ako makaka-sweldo eh ibibigay ko na lang po sa inyo mamaya" sabi ko sa kanya
"Aba't siguraduhin mo lang kung hindi paaalisin na kita dito naiintindihan mo ba?!" sabi nya sa akin habang nakapamewang sa harapan ko
"O-opo sige po mauna na po ako" sabi ko at nilagpasan na siya
Kailangan ko ng umalis dahil baka masermonan pa nya ako at late na late na talaga ako kaya kailangan ko na talagang magmadali
Grabe sa ikinalayo-layo ng nilakad ko papunta sa paradahan ng traysikel wala man lang nakapansin sa akin
"Kuya pahatid nga po patungong Montefalcon National Music And Arts University" sabi ko sa Driver pero hindi niya ako pinansin
Sinilip ko kung anong ginagawa nya at nakita ko syang naglalaro ng Candy Crush
"Kuya pwede po bang mamaya na kayo maglaro nyan male-late na po ako eh" sabi ko sa kanya
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa anong problema nito?
"Sa iba ka na lang sumakay naglalaro pa ako" sabi nya at bumalik sa paglalaro ng Candy Crush
Seriously?! Uunahin nya pa talaga ang paglalaro kaysa sa Pasahero? Nakakabad-trip lang!
"Uy Emily"
Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Kulot yan ang bansag sa kanya dito hindi ko alam ang pangalan nya at wala na akong balak alamin pa
"Uy" sabi ko at nag-pilit ng ngiti
"Papasok ka na ba? Tara hatid na kita" sabi nya
Kahit alam kong late na late na ako ayaw kong sumakay sa kanya
"Hindi na may pupuntahan pa ko eh sige mauna na ako" sabi ko at nagsimula ng maglakad
"Sakay ka na dito libre na lang para sayo" narinig kong sabi nya pero tumakbo na ako at hindi na sya pinansin
Patuloy akong tumatakbo patungong university tinignan ko ang wrist watch ko at 6:30 na super duper late na ako tumakbo lang ako ng tumakbo ng nabangga ako sa isang matigas na bagay kaya napaupo ako sa semento
"Aray" sabi ko at hinilot ang noo ko
"Psh hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh"
Aba at ako pa talaga ang may kasalanan ha tumayo ako at ipinagpag ang palda ko
"Dapat nga mag so-" napahinto ako sa sasabihin ko ng Makita ko ang lalaking nasa harapan ko panigurado nabangga ako sa likudan nya pero
Ang gwapo pero mukhang suplado
"Stop looking at me" inis na sabi nito at tumalikod na at nagpatuloy ng maglakad
"Psh sungit" bulong ko at kinuha na ang bag ko ng lumingon sya uli sa gawi ko at tumingin sa akin
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" cold na sabi nya
Nagulat ako at napakapit sa bag ko narinig nya yon?
"M-may sinabi ba ako? Wala ah sige mauna na ako sayo" sabi ko at tumakbo na papasok ng University
Tumigil na ako sa pagtakbo ng tuluyan na akong nakapasok sa University lumingon uli ako sa likuran ko at nagulat ako ng Makita kong naglalakad na papasok yung masungit na lalaki kaya agad akong tumakbo papunta sa classroom
Bakit ba ako tumatakbo palayo sa kanya?
Hindi ko namalayang nasa harapan nap ala ako ng classroom at nakita ko si Maam Liwanag sa harapan ko na halatang naiinis
"Your Late Miss Hernandez" inis na sabi nito
Bakit hindi nakikisama ang kapalaran sa akin ngayon at puro kamalasan ang nangyayari sa akin ngayon
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello Everyone I just want to say that I will edit all of the chapters here in my story but I wont change the characters soo I hope you'll still support this story.
And your vote and comment will be appreciated and more importantly I hope you'll enjoy reading this story.
~LucyScarlet5~
BINABASA MO ANG
The Long Lost Heiress (EDITED)
Novela JuvenilEmily Hernandez a simple girl that have a simple life, she is not the type of girl that is popular she's more like the loner type but have a few friends. She is a nerd on their school and sometimes get bullied for being a scholar of the school but...