Chapter 1

376 5 0
                                    

CHAPTER 1: Assasin

Nakabantay ang mga armadong pulis sakanilang sasakyan. Kompleto ito sa gamit na kakailanganin nila sa operasyon nila. Matagal tagal na rin nila itong kaso ngunit napaka galing ng dalaga tumakas. Ang pangalan nito ay fax isa itong assassin. Pumapatay para sa pera. Mayamaya ay dumating ang kanilang pakay.

May isang magarang sasakyan ang huminto sa isang kilalang hotel. Bumaba ang sakay neto, isang dalaga na nakasuot ng kulay pula na hapit na hapit sa katawan at pinaresan ng mataas na takong. Kapag nakita mo ang dalaga ay maangkin ka sa aking ganda at hubog ng katawan.

Pag baba niya sa kanyang sasakyan ay binigay niya na sa lalaki ang susi at pumasok na sa hotel. May narinig siyang boses ng babae na nang gagaling sakanyang tenga.

"Sumakay ka ng elevator at huminto ka sa ika apat na palapag. Paglabas mo makikita mo yung malaking pinto na may nakalagay na VIP. Andun ang pakay naten at alam mo na ang gagawin" Naglakad ito ng parang walang narinig na kung ano man.

Pagka lapag niya sa ikaapat na palapag nakita niya agad ang VIP. May nakatayong lalaki na may dala ng shot gun. Dumeretso siya sa lalaki at enekspeksyon kung may dala siyang baril o ano man.

Ngunit walang nakapa ang lalaki agad agad siya pinapasok neto. Pag pasok niya sa silid may nakita siyang dalawang lalaki na ninigarilyo at umiinom ng alak. Tinuro neto ang silid kung nasaan ang kanilang amo.

Sa kabilang banda ang mga armadong pulis ay binabantayan ang kilos ng dalaga. Nakakuha sila ng impormasyon kaya naman nag lagay na sila ng CCTV sa silid na ito. Bigla na lang may pumasok sa kotse iyun pala si Grendel. Ang bagong pulis sakanilang departanmento.

"Ano ba yan Grendel ang tagal mo naman kumuha ng kape! Umabot ka ng 30 minutos yung totoo saang lupalop ka nakarating para kumuha lamang ng kape" Napatawa lang sa Grendel at binagay sa mga matandang pulis ang mga kape.

"Sorry sir hindi na mauulit" Napukaw ng kanyang pansin ang dalaga na gumigiling sa lalaki. "woah ang ganda ng buhok niya at ang hubog ng kanyang katawan" Bigla na lang napatingin sakanya ang dalawang matandang pulis.

"Hay nako Grendel siya si fax yung nasa document na pinabasa namen sayo mag ingat ka sa ganyang babae" Napa tango tango lang si Grendel.

-

Ang dalaga na si fax ay minamasahe ang negosyanteng lalaki. Nakaupo siya sa likod at minamasahe ang likod neto. Kinapa niya ang spinal cord at nung hanap niya na kung saan ang kailangan niyang baliin ay hinugot niya ang spinal cord.

Hinarap niya ang lalaki at tinakpan niya ang bibig para hindi makasigaw tapos na ang kanyang pakay nag suot na muli siyang ng damit at lumabas sa silid. Nang palabas na siya ay tumunog ang cellphone neto. Nag ka tinginan ang dalawang lalaki at inatake siya.

Sinipa niya ang isang lalaki at ang isa naman ay sinapak niya sa tyan agad naman ito napayuko sa sakit. Ang lalaking sinipa niya ay sinagod muli siya kinuha niya yung bote ng alak at pinukpuk sa ulo ng lalaki.

Nawalan itong ng malay at kinuha ko ang baril neto. Kinalabit ko ang gatilyo sa lalaking sinapak ko kanina. Biglang pumasok ang lalaking bantay ng pinto kanina.

Pinalo ko sakanya ang baril nahawak ko at tumakbo gamit ng hagdan. Nag lakad ako sa lobby ng parang walang nangyare nang maka labas ako sa hotel ay sumakay na agad ako sa kotse.

Hindi alam ni fax ay may isang lalaki na may dalang bazooka at tinamaan ang kotse niya. Ang mga armadong pulis ay napatakbo sa kung saan nasusunog na kotse ni pax.

Nilabas nila ang babae sa nasusunog na kotse at ang iba naman pulis ay nakikipag barilan sa lalaki na may hawak ng bazooka. Agad naman nila ito napatay ngunit may isang kotse na dumating at binaril ang dalaga sa puso, dinamay na rin neto ang mga pulis.

Si Grendel lang hindi neto pinatay at naaninag niya ang muka ng babae na nasasakyan.

Nang bumalik na sa wisyo si Grendel ay hinabol niya ang sasakyan ng babae at pinag babaril ito ngunit wala na siyang nagawa huli na ang lahat.

-

Maraming report ang dumating na madaming batang babae ang nawawala. Karamihan sa mga nawawala ay magaling sa larangan ng martial arts.

Hindi mapagtanto ni Grendel kung bakit kinikidnap ang mga batang babae at walang silang lead kung sino o saan dinadala ang mga batang babae.

Artemis UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon