Chapter 1

44 5 0
                                    

Roxanne's POV.

Hayyyy. Linggo nanaman tapos bukas monday na may pasok nanaman sa school. Ang bilis ng araw.

"Anak bumangon ka diyan at mag almusal na tayo." Sigaw ni mama.

"Opo." Sagot ko naman.

Bumangon rin naman agad ako at dumeretso sa cr para maghilamos.

Pagkatapos dumeretso na ako sa kusina.

"Wow naman mama anong meron? Bakit may spaghetti?" Tanong ko kay mama.

"Wala naman anak. Nirequest lang ni Ray kaya pinagbigyan ko na." Sagot naman ni mama sakin.

Si Ray ay bunso kong kapatid. Makulit, pasaway, at bully. Pero kahit ganon si Ray mahal na mahal ko yun. May pagka mabait din naman siya eh.

And ako naman si Roxanne Swanson. Grade 10 student sa NHGA or New Hope Girls Academy. Makulit, minsan pasaway den pero sweet and caring naman akong anak. Medyo tahimik din sa umpisa pero kapaga nagtagal, magsisisi kang nakilala mo pa ako.

"Umupo ka na ate tagal mo eh."Sigaw sa akin ni Ray.

Umupo na rin naman agad ako.

"Hmmmm... Mama ang sarap talaga ng spaghetti mo." Sabi ni Ray.

Masarap kasi magluto ng spaghetti si mama. Parang kalasa ng sa jollibee.

"Nambola ka pa anak. Pagkatapos niyong kumain maligo na kayo ha?"

"Bakit ma? Sisimba tayo?" Tanong ko kay mama.

"Oo ate" sagot naman ni mama.

Bigla silang tumahimik. Lumingon ako sa tinitignan nila.

"TITA!" Sigaw ni Ray.

"Hi Ray. Kamusta ka naman? Namiss ka ni tita."

"Ok lang po tita. Asan pasalubong ko?"

May kinuha naman si tita na supot na nilapag niya sa sofa.

"Wahhhhh. Tita thank you. Sakin lang ba to?? Hindi ko bibigyan si ate ha." Sigaw ni Ray.

"Bigyan mo si ate, Ray. Sige ka andaming chocolates nan eh." Sabi ni tita kay Ray.

"Roxanne." Sigaw ni tita

Pumunta naman kaagad ako sa salas. Saktong tapos na rin naman akong kumain.

"Hi tita." Sabi ko. Sabay beso kay tita.

"Nagsimba na kayo?" Tanong ni tita.

"Hindi pa po."

"Maligo na kayo para makapag simba tayo ng maaga."

"Sige po."

Pumunta na ako sa kwarto para magready na ng isusuot ko pagsimba.

Pagkatapos ko iready yung mga isusuot ko dumeretso na kaagad ako sa cr.

Pagkatapos ko nagbihis na kaagad ako at nagpatuyo na ng buhok.

"Ate matagal ka pa ba diyan?" Sigaw ni Papa.

"Wait lang po. Susunod na po ako." Sagot ko naman.

Lumabas na ako ng kwarto.

"Tagal mo ate. Nagpaganda ka? Wala namang nagbago. Panget ka pa rin." Asar sakin ni Ray. Hayyyy kahit kailan talaga tong batang to.

"Tama na nga yan. Tara na." Sabi ni mama.

Sumakay naman na kaagad kami sa sasakyan.

Nkatingin lang ako sa labas ng bintana. Tahimik lang kaming lahat.

May kung anong pumasok sa isip ko kaya bigla akong napangiti.

"Baliw." Sabay batok sakin ni tita.

"Aray."

"Wala ka bang balak bumaba? Nandito na tayo." Sabi ni papa.

"Ayyy sorry po."

Bumaba na ako at humanap na ng upuan. Sakto naman ay meron pang bakanteng upuan.

Umupo na agad ako.

Nagsimula na rin kaagad ang misa.

"Ate ayos ka lang? Kanina ka pa ngiti ng ngiti mag isa ah?" Bulong sakin ni mama.

"Ha? Ok lang ako mama. May naalala lang ako." Sabay ngiti ko kay mama.

Nagsimula ng magsalita si Father.

Matapos ang sermon ni Father tungkol sa pagiging mabuting anak ay nag communion na.

Pumila ako sa bandang dulo. Kasama ko sila tita.

Bigla akong napatingin sa isang lalaki. Nakatitig lang ako sa kaniya kasi parang pamilyar yung muka niya.

Bigla naman siyang lumingon sakin. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya.

Basta ang alam ko lang pamilyar siya sakin. Matangkad, maputi, at maganda rin yung mga mata niya.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako kasi baka naman kamukha lang siya nung kakilala ko. Nakatitig pa rin ako sa kaniya hanggang sa makilala ko na kung sino siya. Siya nga. Si Floyd. Kapatid niya yung kaklase ko na si Eunice.

Nakapag communion na ako at bumalik na rin ako sa upuan namin.

Biglang pumasok sa isip ko si Floyd. Ang ganda ng mga mata niya.

Bakit ganon? Habang magkatitigan kami may iba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan.

Because Of YouWhere stories live. Discover now