Chapter 5

21 4 4
                                    

Roxanne's POV.

Naksakay na akong jeep pauwi. Hanggang ngayon parang meron pa din gumugulo sa utak ko na hindi ko malaman laman kung ano.

Buong byahe naktulala lang ako. Hanggang makababa na.

Pagdating ko sa bahay hindi ko pa nabubuksan yung gate bigla kong naalala hindi pala ako nag bayad sa jeep myghad nakakahiya.

Pumasok na ako sa bahay.

"Mama andito na po ako." Sigaw ko pagkapasok ng pinto.

Walang sumasagot. Siguro umalis sila mama. Hayyyss di na naman nagsabi sakin eh. Basta basta na lang akong iniiwan.

Dumeretso na akong kwarto at nag bihis.

Humiga ako para mag pahinga at kinuha ko yung cellphone ko.

"Aiissshhh ano namang gagawin ko dito sa cellphone ko eh wala naman ako kachat or katext. Pag nag facebook naman ako puro scroll scroll lang hayy nakoo."

Natulala ako sa kisame habang nakahiga hawak ang cellphone ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Floyd.

"Ano ba yan ang epal naman eh. Bat ba kita iniisip myghad. Umalis ka sa isip ko please huhu."

Nagcellphone na lang uli ako at nag facebook. Naisipan ko mang stalk ng profile ni Floyd.

Tinignan ko yung mga pictures niya.

Hayyyyssss ang cutiieee niya talaga. Hindi naman ako mapapansin nito famous eh.

Nilapag ko muna yung phone at lumabas ako ng kwarto para humanap ng makakain. Hindi pa kasi ako nag mimiryenda eh.

Aissshhhh wala naman ako mahanap. Andami daming pagkain pero hindi yon yung trip kong kainin gusto ko ng matamis.

Maya maya pa ay narinig kong may tricycle na tumigil sa harap ng bahay.

"Yown baka sila mama na yun. Sana may dalang pagkain."

Binuksan ko ang pinto at tama nga ako sila mama nga. At may dala silang pagkain. Binuksan ko yung gate at tinulungan ko si mama na bitbitin yung mga pagkain. Hahahahahah.

"Kanina ka pa dito?" Tanong sakin ni mama.

"Opo. Maaga po kasi kami pinauwi ngayon." Sagot ko naman.

"Ateee..." Sigaw ni Ray na nasa salas.

Ano na naman kaya yon.

Pinuntahan ko sya sa salas at wala siya don. Sumilip ako sa kwarto wala din. Pabalik na sana ako ng kusina para sabihin kay mama na wala si Ray ng biglang...

"ATE!!! ANG PANGET MO!!" Pasigaw na panggugulat ni Ray sa akin. Jusq ano na naman kaya problema nitong batang to.

Because Of YouWhere stories live. Discover now