Chapter 2

22 4 0
                                    

Roxanne's POV.

Monday nanaman. Makakasama ko nanaman ang dalawang lokaret kong bessy.

Maaga akong nagising ngayon. Excited na akong pumasok sa school, pero hindi ko alam kung bakit.

Bumangon na ako at nag cr. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa kusina para magalmusal.

"Hi mama. Good morning po." Sabay silip sa niluluto ni mama.

"Ang ganda ata ng gising ng prinsesa namin ngayon ah."

"Ayyy hindi ma. Excited lang talaga akong pumasok ngayon."

Umupo na ako at inilapag na ni mama ang almusal ko sa lamesa.

Kaunti lang ako kumain kapag umaga kaya natapos din kaagad ako.

Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na.

"Anak oh ito baon mo."

"Sige po ma thank you. Ma hindi papasok si Ray?"

"Hindi ko na muna papapasukin may lagnat kasi kagabi."

"Ahhh ok po. Mauna na po ako ha"

"Sige ingat ka"

"Opo bye ma." Sabay beso kay mama.

Umalis na ako.

Pagdating ko sa school sumalubong agad sakin ang dalawa kong bessy.

"Hi bes. Kamusta weekends natin diyan?" Tanong ni angel sakin.

Si Angel ang pinaka matangakad saming tatlo. Maganda, habulin ng mga lalaki, matalino, at sobrang loka loka.

"Oo nga bessy kamusta naman weekends mo?" Tanong din sakin ni Dianne.

Si Dianne siya yung pinaka seryoso sa aming tatlo. Matalino, mabait, maganda, kj paminsan pero mas madalas kalog. Siya yung parati kong pibagsasabihan ng ng mga secrets ko kasi paminsan sa iba nasama si Angel. Kaya kilalang kilala niya ako. Alam niya kung anong mood ko.

"Uyyy ano ngingitian mo lang ba talaga kami Roxanne? Ano kamusta weekends mo? Sumagot ka nga para kang baliw." Sabi sakon ni Dianne.

"Perfect." Yan lang ang naisagot ko sa kanila.

"Wow naman perfect talaga? Bakit? Marami bang foods?" Sabat naman ni Angel.

"O baka naman may nahanap ka nanaman na kung ano ha?" Sabi ni dianne.

Ngumiti lang ako sa kanila.

Napalingon naman ako sa labas ng gate. Hindi ko din alam kung bakit ako tumingin.

Tapos...

"OMG! Si Floyd." Biglang lumabas sa bunganga ko.

Sabay namang lumingon sakin si Dianne at Angel

Halata sa mga mukha nila na nagtataka sila sa reaksyon ko.

"Ayyy sorry." Sabi ko na lang sa kanila.

"Parang kinikilig ka yata?" Sabi ni dianne.

"Oo nga eh may nalalaman pang 'Omg si floyd" Sabat naman nitong si Angel at ginaya pa yung pagkakasabi ko nung kanina.

"Huh? Ano kasi..." Nauutal na sabi ko.

"Ano?!" Sabay na sabi nila Angel at Dianne.

"Ano kasi, time na kaya tara na at mag aassembly pa." Pag iiba ko ng topic sa kanila.

Naglakad na ako papuntang quadrangle. Sumunod din naman ang dalwang bruha sakin.

Because Of YouWhere stories live. Discover now