Chapter 11

11 3 0
                                    

Floyd's POV.

Ang tagal naman lumabas ni Roxanne. Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay nila eh. Pinapapak na ako ng lamok.

Di na ako makatiis mag intay kaya nag tao po na ako.

"Tao po. Roxanne." Sigaw ko.

Wala pa din lumalabas.

Tsk tsk. Akala ko ba pauwi na yung kamatis na yon.

"Tao po." Sabi ko ulit.

Kapag wala pa din lumabas pag kabilang ko ng 10 aalis na ako. Kanina pa ako dito eh.

1...

2...

3...

4...

5...

6...

7...

8...

9...

"Anong kilangan mo?" Sabi nung lalakeng parang bouncer na kalalabas lang galing sa loob ng bahay nila Roxanne.

"Andiyan po ba si Roxanne?" Tanong ko doon sa lalake.

"Bakit? Anong kailangan mo sa anak ko?" Tanong nung lalake.

Anak? So siya pala papa ni Roxanne. Hindi halata. Hahahaha.

"Ako po yung partner niya po doon sa contest po sa school nila." Sabi ko naman don sa papa ni Roxanne.

"Contest? Anong contest? Wala naman nabanggit sakin si Roxanne na sasali siya sa contest ah." Tanong sakin nung papa ni Roxanne.

"Ahh. Papa balak ko pa lang sana sabihin yon sa inyo. Hindi ko po muna agad sinabi yung tungkol don. Sorry po." Sabi ni Roxanne na bigla bigla na lang sumulpot sa likod ng papa niya.

Bakit ganito itsura nito ni Roxanne. Parang batang iniwan ng magulang sa kalsada eh. Ang gulo ng buhok, naka yapak, tapos paos pa yung boses. Ano ba yan.

"Ah ganon ba nak? Sige. Pasok ka na totoy." Sabi sakin nung Papa ni Roxanne.

Totoy? Hahahahaha.

Kanina nung ako lang kausap nung Papa ni Roxanne nakakatakot mag salita pero nung dumating na si Roxanne biglang bumait. Mukang strikto ata tong papa niya ah.

Nauna ng pumasok sa loob ng bahay nila yung papa ni Roxanne.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gabi na eh." Tanong sakin ni kamtis.

Because Of YouWhere stories live. Discover now