Chapter 2

512 11 2
                                    

AMARA

Nagising ako sa sinag ng araw na nangagaling mula sa bintana. Pagkarating ko palang dito sa hotel kagabi nakatulog na ako siguro dahil din sa pagod. Tumayo ako at nag inat bago pumunta sa Kusina, at kumuha ng cup noodles na kakabili ko lang sa may store kanina at nilagyan ng mainit na tubig at muli itong sinara. Naglakad ako papuntang terace

"Hayy ang sarap ng buhay." Aniya ko ito na ata ang pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko kasi pakiramdam ko'y nakalabas na ako sa kulungan.

Pagkatapos ng ilang minuto bumalik na ako sa kusina at kinain yung noodles ko habang ngiting-ngiting kumakain.. Naramdaman ko ulit nag aalbulurto pa ang tyan ko kaya dali dali kong kinuha ang Jacket ko tska sinuot at ang aking bag bago lumabas

~*~*~*~*~*

Kumuha na ako ng cart at pinunu ko ng cup noodles ito bago pumunta sa counter.

"508.00 Pesos lahat ma'am." Sabi ng cashier agad ko naman binigay yung credit card ko pinaslide ito sa makina at inulit ulit kaya nagtaka ako

"M-may problema po ba sa credit card ko?" Agad kong tanong

"Ah eh ma'am mukhang na-hold po yung credit card niyo mam" Aniya at binalik sakin yung credit card ko

"Ano?" Gulat kong tanong.

Wala pa naman akong philippine money. Agad kong kinuha yung walllet ko at Binigay ang 100 U.S dollar

"Ma'am magpa change money na lang po muna kayo." Aniya "Pwede niyo naman po balikan yung bilbilhin niyo mamaya ma'am." Dagdag pa niya

Tumango lang ako at agad na umalis doon. Pina-Hold ni dad yung credit card ko Nilagay ko yung wallet ko sa bulsa ng jacket ko at kinuha yung phone ko sa bulsa ng bag ko at ni on ko yung phone ko at nakita kong 50 Missed call kay Gabriel, 23 missed call kay Mary, 14 missed call kay Dad at 2 missed call naman kay Yaya rina. Nagring yung phone ko kaya agad ko itong sinagot

"He--"

"Ikaw bata ka! Alam mo bang nagwawala na si Sir Anton?!"(My dad's name) Pabungad ni rina sakin

"I'm sorry." I said

"Hayaan mo na. So may pera ka ba diyan?! Kasi narinig kong pinahold lahat ni Sir Anton yung Credit Card mo!" Sabi niya

"Meron pa akong 300$." Aniya ko

"Ano!? Sige papadalhan na lang kita."

"Huwag na yah. Kaya ko na ang sarili ko. Ako na ang bahala."

"Pero mahirap ang buhay ng walang pera hindi yun kakasya sa tatlong buwan mo diyan Amara."

"Yah. Gusto ko pong magbagong buhay at ejoyin ang buhay ng isang oridinaryong pamumuhay ng tao."

Bumuntong hininga siya "Basta kung may kailangan ka, Tawagan mo kaagad ako okay?"

"Opo, Salamat. Pansamantala mona yah na di mo ako macocontact kailangan ko mag change no. Siguradong hindi ako titigilan no dad at tatawagan na lang kita." Aniya ko

"Sige basta mag iingat ka huh? ibaba ko na baka magtaka pa si sir anton bye." Aniya at ni hung up na niya.

Sigh.

Nakayuko akong naglakad nang biglang may nabangga ako at tumilapon yung phone niya at saktong may dumaan na truck at nasagasaan yung phone... halos basag basag yung phone.

Dahan dahan akong humahakbang patalikod habang nakatago ang mukha ko sa aking hood pero--

"Halika nga dito." Cold niyang tawag sakin bigla akong nakaramdam ng kaba bigla niyang hinila yung hood ko palapit sakanya

The Lonely PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon