KABANATA 1

15.5K 378 160
                                    


Ang init talaga ngayon, tingnan mo nga naman itong mga pawis kong hindi na maawat sa pamumuo. Mamaya nito ay baka maligo na ako. Napapaypay na ako dahil sa tindi ng init ng panahon.

Climate change is real.

Tirik na tirik si haring araw, nagiging hot tuloy ako. Kidding! Ang tagal kasing makabalik ng kapatid ko, kanina ko pa siya hinintay dito sa Plaza Gibraltar pero malapit nang mag-isang oras ay wala pa rin. I roamed my eyes around at napansin na iilan lang ang mga tao dito. Hindi ba nila alam na nandito na ako? Ang diwata ng kagandahan!

Echos lang. Kung ano-ano na naiisip ko sa paghihintay kay Ate. Grabe, kanina pa ako nakatayo dito pero ang Ate is nowhere in sight. Saan kaya napunta 'yon? Baka naman nakakita na naman ng ka-batch niya at nakipagtsismisan pa. 'Wag niya lang makalimutan na nandito pa ako! Wag siyang paasa, kakalbuhin ko siya.

"Hey, handsome..."

Napanguso ako, diyan talaga siya magaling. Ang utuin ako pagkatapos ako paghintayin. "Tsk, saan ka ba galing? Ang init-init, 'Te! Kanina pa ako pinagpapawisan."

"I met a friend way back in college. We had a short chat and here I am!"

Tama nga ang hula ko. Sa sobrang friendly niya ay nakakalimutan niya ako. Mas lalong humaba ang nguso ko. "Whatever! Umuwi ka na."

"Aww!" She acted as if she was hurt. "Pinapauwi na ako ni baby sis. Hu-hu! Ayaw mo na sa akin? Panget na ba ako? Am I not enough?"

"Ano ba, Ate," saway ko sa kaniya. Parang timang, hindi naman bagay sa kaniya ang mag-inarte. Wala pa sa script. "I-text mo na si Kuya Hale at nang makauwi ka na, daldal mo, eh."

Namaywang siya, "ah, ganoon ba?" Umatras ako nang isang hakbang pero nahila pa rin niya ang suot kong puting T-shirt at piningot ako. "Madaldal ako?"

"Masakit, 'Te!" ngiwi ko. Ang sakit niyang pumingot, walang patawad.


"Bakit mo ba ako pinapauwi na, ha? Siguro may kalokohan ka dito, ano?" Lalo pa niya akong piningot.

"Ate naman," reklamo ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa tainga ko. Grabe, ang sakit talaga. "Awat na, please! Ang sakit talaga, 'Te!"

Wala pa sana siyang balak na bitawan ako pero napansin niya kasing medyo naiiyak na ako at siya na mismo ang bumitaw. Ako naman ay napadaing habang hinimas-himas ang kawawa kong tainga. "Hoy, Amber Louisse," duro niya sa akin, "I tell you, Father will disown you kapag nalaman niyang nagdru-drugs ka!"

I rolled my eyes. "Ano ba 'yon? Nakakaangat ba 'yon sa buhay? Aba, kung pu—" Naitikom ko agad ang bibig nang ambahan niya ako ng suntok. Naku, gasgas ang kagandahan ko kapag lumusot ang kamo niya sa mukha kong hindi pa nadadapuan ng lamok. "Ito naman, hindi na mabiro. Pinapauwi na kita dahil papasok pa ako. May klase pa ako!"

"Ay, ganoon ba?" Tumango ako. "Bakit hindi mo agad sinabi?"

"Kailangan pa bang i-memorize 'yan?"

Kumaripas na ako ng takbo palayo nang ambahan niya ulit ako ng kamao. Atras na ako at baka tuluyan na talagang madaplisan ang baby face ko. Nag-text nalang ako sa kaniya nang marating ko ang main gate ng JSU, sabi ko ay mag-ingat siya at hintayin si Kuya Hale para safe.

Maghintay ka sa sembreak. Gasgas ka sa akin, Amber Louisse!


I just clicked my tongue as I read her reply. Napailing ako, nakakatakot talaga siya. Pero na-miss ko siya. Anim na buwan ko rin siyang hindi nakita dahil sa probinsiya na siya naglalagi lalo nang maikasal kay Kuya Hale. Pabor din sa akin kasi kapitbahay lang din namin sila ni Papa. At least mababantayan pa rin namin ang isa't-isa.

Mnemosyne Deogracia (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon